KNOW'S 23:: DECISION

2 0 0
                                    

TUMAYO AKO PARA PAGBUKSAN KUNG SINONG KUMAKATOK at hindi ko naman inaasahan na mabubungaran ko si Eight.

I never expect  na kakatok siya sakin habang namumula ang mukha at walang tigil ang pag patak ng luha. Humihikbi hikbi pa siya habang umaalog ang balikat..

"Eight.."

"Luke.."

"What happen Eight?"

"Luke.." umatungal siya na parang bata at yumakap sakin. Niyakap ko muna siya at ramdam na ramdam ko ang pag baba at taas ng balikat niya.

"What happen Love? Bakit ka umiiyak ha?" Binitawan ko siya pero wrong move natumba siya.

"Eight!" Dinaluhan ko siya para tumayo pero umayaw siya. Nanatiling nakasalampak siya sa sahig.

"L-luke. Wala na. Wala na ka..mi.. ni..Tho..mas..Luke.. Wa..la. na"

Nag salubong ang kilay ko.

"Anong sinasabi mo Eight? Anong wala na? Anong kay Thomas? Hindi kita maintindihan"

"Luke.. He beg. He beg at me. Nag makaawa siya sakin...Nag..ma..kaawa siya sa..kin.. para layu..an ko..si..ya. tinapos..niya..na..ku..ng anong meron ka..mi. Luke.."

Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya.

"Ta..ma ka.. Tama ka..Pini..li niya..si Sti..ffany kesa sakin..Hin..di.. raw ..siya masaya sakin ka..ya.. hayun..Iniwan..niya..ko lu..ke..iniwan..niya ko" pumalahaw na naman ang iyak niya

"Hindi niya daw kayang..ma..ging..masa..ya sa pi..ling ko..Ang..sak..it nun.. luke..Ang..sakit..sa.kit. nangako pa naman siya sakin..tapos di na..man..niya..pala tutupadin..luke ang sakit..ang sakit..sakit"

Hindi ko kayang tingnan si Eight naginitong sobrang nasasaktan. Hindi ko kayang salubungin ang mga niyang puno ng sakit.

D*mn That Thomas.

Tinuloy niya pa rin.

Hindi ako nag salita bagkos niyakap ko na lang siya. Ramdam ko naman ang pag yakap niya sakin ng pagbalik. Hindi rin nakalagpas ang mga katagang nasasaktan siya..

"Ang sa..kit..Luke..Ang..sa..kit..sakit.."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil masisigurado ko na puro mura lang ang lalabas dito.

Thomas is b*stard for doing this to Eight.

Pinabayaan ko siyang umiyak at hindi tumatagal tumigil na ang pag iyak niya maging ang pag alog ng balikta niya.

Nakatulog na siya.
Napagod siguro sa kakaiyak.

Dahan dahan ko siyang binuhat, at dahan dahan akong bumungad at maingat na  inilapag sa kama.
Pinunasan ko muna ang basa niyang mukha bago inayos ang pag kakakumot sa kanya.

"Iwan muna kita Love. May aasikasuhin lang ako. Babalik ako. I love you" I kiss her forehead before I leave her.

Alam kong wala siya sa kabilang kwarto at sana nandun siya sa pupuntahan ko.

"Sir Luke. Sino po ang kailangan?"

"Andito si Thomas?" Tumango si Marie ang ka tulong nila.

"Nasa kwarto niya po"

"Is tita here?"

"Wala po"

"Good. Akyat muna ako"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil dumiretso na ko sa taas.
Wala ng katok katok na binuksan ko yun at hayun siya!

Huli sa akto!

Heaven's Knows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon