Knows 39:: PROMISE

2 0 0
                                    

"Hoy,  Eight sino yan" binalingan ko si Ana na tumabi sakin. Tinitingnan niya rin ang litrato na tinitingnan ko.

It's me and Xavier.

"Kapatid ko"

"Kapatid mo?  Wow ang pogi ha. Pakilala mo ko"

"Si Xavier Eight Mistan"

"Eight?  Mistan?. Mag katulad kayo ha,  pero bakit Mistan? "

"Kapatid ko lang siya sa papa at bago ko lang nalaman"

"Sino sa mga napunta dito? "

"Hindi siya napunta dito"

"Huh?  Bakit? "

"Patay na si Kuya" namilog ang mata niya sa sinabi ko

"Oww sorry Eight.  Di ko alam"

"Ayos lang Ana haha" tumawa pa ko sa kanya.

Kung sana dati pa lang nalaman ko na kapatid ko siya at kung dati palang sinabi niya sakin di siguro ganto ang buhay ko.

"Ano naman yang hawak mo? " nginuso niya ang folder na nag lalaman ng iniwan sakin ni Xavier

Binasa niya ito.

"Wow bigtime pala kapatid mo ah. " mangha siyang tumingin sakin..

"Ang yaman mo Eight"

"Mayaman Si Xavier"

"Bigyan mo ko ng trabaho kapag nakalabas ka ha" pabiro niya pa kong sinuntok

"Sige ba.  Hanapin mo lang ako" pag sakay ko sa kanya

Walang nakaka alam kung makakalabas pa ako dito at higit sa lahat walang nakaka alam kung hanggang saan at kailan ako tatagal.

Nagpaalam na siyang matutulog sakin,  habang ako naman sinulat ang lahat ng nangyari sa araw na ito.

Nagawa ko pang iguhit ang mga taong nag pahirap sakin ngayong araw.  Darating ang panahon na malaki ang maitutulong nito sakin.

"Ano na naman yang ginagawa mo Eight?  Natulog ka pa ba? " pupungas pungas na si Ana.

Nakulong si Ana sa salang pag nanakaw,  nagawa niya lang daw yun dahil kailangan ng panghospital ng anak niya.  Nagawa niyang mailigtas ang anak niya pero ang kapalit nakulong siya.  Okay lang naman daw sa kanya basta ang mahalaga buhay ang anak niya.

"Nag susulat lang ako"

"Writer ka? " tumango ako

"Weh? "

"Alisha" sa sinabi ko ang maliit niyang mata ay may inilaki ulit hahaha.

"Alisha?  E-euphoria? "

"Yup"

"Hahaha.  Nice try Eight" nagkibit balikat na lang ako saka tinuloy ang pag susulat

"Di nga eight? "

"Ikaw bahala kung maniniwala ka o hindi" simpleng sagot ko

"Lintek ka.  Idol na idol ka ng anak ko"

"Talaga? "

"Oo. Laging ikaw ang bukang bibig niya kapag dinadalaw niya ko. Gustong gusto niyang makabili ng libro mo kaya todo ang pag iipon nun"

Masaya ako na marinig to bukod sa mga kaibigan ko na hinahangaan si Alisha

"Pabibigyan ko siya ng libro kung ganun"

"Wow.  Paniguradong matutuwa yun. Salamat eight"

"Salamat din sa anak mo,  iniidolo niya ko kahit di niya ko kilala" she give me a thumbs up.

Heaven's Knows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon