KNOWS 2:: LEGENDARY

4 0 0
                                    

The number you dialled is cannot be reach please try again later...

The  number you dialled is cannot be reach please try again later...

The number you dialled is cannot be reach please try again later...

To Mama:
Mama, miss ko na po kayo. Gusto ko na po kayong makita. Pwede po ba?

Napabuntong hininga na lang ako kasabay ng pag send sa kanya ng message.

Hindi ako nag sasawang padalhan siya ng mga messages at calls dahil hindi ako sumusuko na balang araw kahit isa sa mga messages ko o tawag sasagutin niya.

Pumasok na ko sa school at diretso agad ako sa cafeteria since medyo nagugutom na ko.

Pero wala na kong mapag pwestuhan dahil agang aga ang dami agad mga estudyante dito at sa muling pag hahanap ko ng vacant seats.

Nakita ko siyang nakataas ang kamay at ng makita niya kong nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya bigla.

Weird..

Lalo na ng tumayo siya papunta sa harapan ko.

"Hey..teka.."naalarma ako ng agawin niya sakin ang pagkain ko at talikuran ako kaya sinundan ko siya. Tumigil lang siya ng makarating na siya sa pwesto nila ng pinsan niya.

Umupo siya sa tabi nito at umupo naman ako sa harapan nila.

"Pinapaupo ba kita?" Sabi niya agad.

Akma na sana akong tatayo pero nag salita agad siya.

"Nakakatawa ka talaga eight. Umupo ka nga. Nag bibiro lang ako" pero di ako nag papigil.

Tuluyan akong tumayo kaya napatayo rin siya at sapilitan akong pinaupo bago siya umupo sa tabi ko kaya ang nangyari corner ako since pader na yung sa kabilang side.

"Ang harass mo ah" pag rereklamo ko sa kanya

"Kumain ka na. Dami pa sinasabi eh" kumakain na siya dahil kinakain niya pag kain ko.

Kaya tinapik ko ang kamay niya.

"Yah!Go get your own"

"Damot mo para fries lang"

"Close ba tayo?" tinitigan niya lang ako at di nag salita. Saka lang nawala ang titig niya ng mag salita si Luke.

"Sapul"

"Ay andyan ka pala Luke" ganti naman sa kanya ni Thomas.

Kumain na lang ako habang nag uusap sila at ewan ko ba kung bakit ako na naman napag diskitahan ng Thomas na to.

"Hey"

"What?!" Napangiwi siya sa turan ko

"Course mo?"

"BSEd"

"Major?"

"Science"

"Ilang taon ka na"

"19"

"Bakit yun ang kinuha mo?"

Tiningnan ko siya.

"Ano to question and answer portion?" Pag tatanong ko naman sa kanya

Sa sinabi  ko binatukan naman agad niya ko.

"Isa lang yung tanong ko ah. Bakit mo ko binatukan?!"

"Ang kulit mo kasi" as on cue sinapak ko siya na ikina ungol niya

Heaven's Knows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon