Chapter 1

23 1 0
                                        

"I'm tired" sabi ng babae habang hinahabol ang kanyang hininga dahil sa pagtakbo niya sa mga nangbubully sakanya

"You think you can escape that easily on us!" sigaw ng isang babae mula sa malayo kaya nagtago siya sa nagtitipon tipon na lagyanan ng basura upang di siya makita

'ang baho' sakanyang loob looban ay yon ang kanyang naiisip at hindi ang takot mula sa nangbubully sakanya

Kaya lang naman siya tumatakas dito ay dahil pagod na pagod na siya sa paulit ulit na pagpapahirap nito sakanya at hindi ang kadahilanang natatakot siya dito, sa katotohanan nga ay gusto niya na itong patulan ngunit anak siya ng direktor ng paaralang kanyang pinapasukan

Akala ng mga tao na ang pagiging anak ng may ari ng paaralan ay madali sapagkat nagagawa mo ang lahat ng gusto mo pero kabaligtaran nito ang lahat

Hindi mo pwedeng patulan ang mga nangbubully sayo, dapat palagi kang nageexcel sa klase, hindi ka pwedeng magyabang yabangan o maghari harian sa paaralan dahil lang sa anak ka ng direktor o sa madaling salita hindi ka malayang gawin ang lahat ng gusto mo dahil bitbit mo ang apilyedo ng isang taong nirerespeto at kinikilala ng marami

They should see you as a symbol for those students na hindi ka isang anak ng direktor na iniispoiled dahil lang sa mayaman kayo

The real truth is she hates her life.

Tumunog na ang bell sa paaralan na hudyat ng pagsisimula ng klase

"Halika na Reyn, pumunta na tayo sa room dahil sigurado akong pupunta din yon doon, mas mapapadali na ang mga gagawin natin sakanya mamaya at hindi na natin kailangan pang maghanap" sabi ng isa sa mga kaibigan nang nangbubully sakanya

"Akala mo makakapagtago ka sa amin ng matagal Zhilymv!This is hell!" sigaw ni Reyn at umalis na doon sa lugar kung saan malapit siyang nagtatago

Sumilip siya at nakahinga ng maluwag ng wala na ito doon

"Hell hell ka pa, Hellain ko yang buhok mo hanggang sa matanggal eh" sabi niya at pinagpagan ang uniform niyang bumaho at nadumihan dahil sa pagtatago niya

Nagmadali na din siyang pumunta sa room niya at ng makapasok siya dito ay nakuha niya agad ang lahat ng atensyon sa klase kaya agad siyang napayuko

"Good Afternoon ma'am, I'm sorry I'm late" pagpapaumanhin niya sa guro

"It's okay Ms. Louivek, take a seat" sabi ng Professor niya at ipinagpatuloy na nito ang pagsusulat sa board habang siya ay nagpatuloy sa pagpunta sakanyang upuan

"Tsk. Pasikat" sabi ni Reyn na nadaanan niya pero di niya ito pinansin pa

"Bakit ka late Zhil?" tanong ng kaibigan niyang katabi niya lang sa upuan, si Hail

Umupo na din siya at ipinaliwanag ang mga nangyari, napabuntong hininga na lamang ang kaibigan niya

"Ibang klase talaga yang Reyn na yan" komento ng kanyang kaibigan

"Okay class! Listen!" sabi ng Prof. nila kaya umayos na sila ng upo at itinigil na ang pagdadaldalan

Ganito ang klase nila kay Professor Jazin dahil nagpapalabas ito ng estudyante makarinig lamang ng may bumubulong during lecture

"Achromatopsia, isa itong sakit sa mata kung saan ang mga kulay lamang na iyong makikita sa paligid ay itim, grey, at puti. Nakukuha ito sa isang trauma o kaya naman ito ay namamana galing sa inyong mga magulang" pagpapaliwanag nito

"Ma'am! May I ask a question?" sabi ng taong nasa likod niya kaya napalingon siya dito

Biglang namula ang kanyang mga pisngi ng malamang si Rhoj ang nagtanong

My Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon