Chapter 2

8 1 0
                                    

Agad silang dinala sa opisina ng direktor at hindi na dumaan pa sa guidance councillor

"Ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Director Zylene na halatang pinipigilan ang kanyang galit sa mga batang nasa kanyang harapan lalo na sa kanyang nagiisang babaeng anak

"Si Zhilymv po ang nagsimula ng away, nananakit na nga po ang katawan namin dahil sa ginawa niya. Director Zylene, sinasabihan na po namin siyang tumigil pero hindi po siya nakikinig" pagiinarte ng isa sa mga nahampas ni Zhil sa mukha ng kahoy

"Alam nating hindi yan totoo" pagdedepensa niya sa sarili

"Director Zylene, nagsasabi po kami ng totoo, nagpapatulong na nga po kami sa mga kaibigan ni Rhoj para lang mapigilan siya sa kanyang mga ginagawa, kitang kita niyo naman po siguro kung pano sana ihahampas ni Zhilymv yung kahoy sa mukha ni Josiemar" pangungumbinsi ulit nila

"Oo nga po Director Zylene, nakikita niyo naman po siguro ang mga pasa namin sa mukha at yung iba pa nga po ay nasa clinic dahil sa pagtapon ni Zhilymv ng upuan sakanila" pagpapaawa pa

Nangungulo na naman ang dugo niya sa mga pinagsasasabi nito pero nanatili lang siyang walang kibo dahil baka mas lalong madagdagan ang gulo at ang galit ng nanay niya sakanya

"Kayo ang nagsimula ng away, wag niyo akong binabaligtad" inis niyang sabi

"Nagsasabi po kami ng totoo director Zylene, at yan pong mga itlog sa kanya at harina, pati po yang pintura ay siya po ang naglagay niyan sa sarili niya para po kaawaan niyo siya, maniwala naman po kayo sa amin, yan po talagang anak niyo ang nagsimula ng gulo" sabi pa nila at umiiyak iyak pang pa effect para kaawaan sila

Napakuyom na lang ang mga kamao ni Zhilymv dahil sa mga pinagsasasabi nito at sa pinipigilan niyang galit

"Totoo ba ito Zhil?" tanong ng nanay niya sakanya habang matalim ang titig

"Hindi" pagmamatigas niya at tiningnan pa sa mata ang kanyang nanay para ipakitang hindi siya nagsisinungaling

"Sabihin mo na kase ang totoo?!" sigaw ni Reyn sakanya at humagulgol na ito ng iyak

'ang galing magdrama, pwede na tayong gumawa ng sariling studio' sabi niya sa isip sabay ikot ng mata

"Alam ko na kung sino ang may kasalanan..." sabi ng nanay niya sabay sandal sa swivel chair nito

"Reyn at yang mga kasama mo, you are suspended for 2 days" sabi ng kanyang ina na puno ng awtoridad

"Pero Dire—-

"At Zhilymv, you are suspended for the whole month, Congratulations" sarkastikong sabi ng nanay niya sakanya

Hindi siya makapaniwalang mas pumanig pa ito sa kabila kaysa sa sarili niyang anak

Umalis na ang lahat ng estudyante sa opisina ng direktor habang siya ay pinaiwan ng kanyang ina para kausapin

Habang papaalis ang grupo nila Reyn sa opisina ay may ngisi ito sa mga labi na parang hiniling na sana wag na siyang bumalik pa

"Bakit mo yon ginawa?!" galit na sigaw sakanya ng kanyang nanay

"Wala akong ginawang masama" pagsasabi niya ng totoo

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo pagkatapos kong makita na parang gusto mo nang patayin ang mga estudyanteng iyon?!" sigaw pa ng nanay niya sakanya "Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wag kang magreyna reynahan sa paaralang ito porket anak kita! Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang non?! Hindi ka na nahiya! Tandaan mo Zhilymv! Dala dala mo ang apilyedo ng pamilya natin, wag mo naman sanang sirain!" sigaw pa nito kaya naramdaman niya na ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata

My Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon