Chapter 5

6 1 0
                                    

Napakahimbing ng tulog niya habang yakap yakap ang napakalambot na unan

Kahit naninibago sa kama ay nasasarapan din siya dahil sa napakalambot nito kaysa sa dating kama, ang bango din nito

Iminuklat niya ang isang mata sa pagtatakang hindi naman siya nagpalit ng kama

Namilog ang kanyang mata ng mapagalamang hindi niya ito kwarto dahil sa kulay ng pader at sa pagkakapwesto ng mga gamit, agad siyang napabalikwas patayo at nakita ang isang maliit na twalyang nahulog galing sa sentido

Nagloading pa ang utak niya bago sumagi sa isipan ang mga nangyari

Niyakap niya ulit ang unan at inamoy amoy pa ito dahil sa kilig na nararamdaman

Sobrang pasasalamat niya sa pananakit ng ulo

Sa sobrang saya ay bumalik ulit siya sa kama at nagpaikot ikot dito habang hindi muna pinapagalitan ang sarili sa pagiging marupok

Hindi niya inaasahan ang mga nararamdaman at gusto niya ng magwala

"Zhilymv?" bigla siyang nahulog sa kama ng marinig ang boses nito

"Aray.." sabi niya habang minamasahe ang balakang

"Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong nito at lumapit sakanya

Bigla siyang napakagat sa labi para pigilan ang pagtili

"A-ayos lang" sagot niya habang namumula na ang mukha

Landi nitong bida niyo, akin lang si Vino eh

Tinulungan na siyang tumayo nito at umupo ulit sa kama

"Nagluto ako ng noodles, kumain ka" sabi nito sakanya at nakita niya ang dalawang bowl ng noodles at isang platito na may lamang marshmallows sa tray "You had a fever last night kaya dito na lang kita pinatulog, wag kang magalala wala naman akong ginawang masama sayo" nahihiyang sabi nito habang namumula ang pisngi dahil sa sinabi

"sana nga may ginawa ka" bulong niya at pati siya ay nagulat sa sinabi

"h-ha?" naguguluhang tanong ni Vino

"Ahh..nagtatanong ako kung anong oras na?" pagpapalusot niya dito

"Mmhhmm......10am..sorry hindi kita ginising, you're sick and I'm concern about you so I thought it's not good for you to go to school" sabi nito at humigop ng sabaw ng noodles

Namula siya sa sinabi nito....concern huh?

"No need, suspended ako" chill na sagot niya dito habang itinatago ang mga ngiti sa labi sa pamamagitan ng pagkain ng marshmallows "Thank you nga pala ulit"

"No, it's an apology for that night, sorry for prying" sabi nito at tiningnan siya ng seryoso

"You can enter my life" sabi niya at biglang tumawa para itago ang kilig, mas lalo siyang natawa ng makita ang nakaawang nitong bibig

Tumikhim muna si Vino dahil sa mga sinabi nito

"May masakit ba sayo? Masakit pa ba ang ulo mo?" nagaalalang tanong nito dahil hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Zhilymv

Hinawakan pa nito ang sentido ni Zhilymv para tingnan kung nilalagnat pa

"I'm fine, thank you" sabi niya at tumawa sa pagiingles

Di parin makapaniwala si Vino sa mga ikinikilos at sinasabi nito

"Alam mo....okay lang talaga ako...masanay ka na, this is the true me dude, matagal tagal din akong di tumatawa kaya manahimik ka" sabi niya at kinuha na ang tinidor para sumubo ng pasta "ikaw pala....wala kang pasok? kaw ha...masyado kang concern sakin napapabayaan mo na ang school, nagagalit si Zhily honey" sabi niya ulit at tumawa ng tumawa habang si Vino ay nabilaukan na dahil sa sinabi nito

My Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon