Nagbigay siya ng malalim na buntong hininga matapos niyang masagutan ang kanyang mga module. Agad siyang pumunta at sumilip sa kanyang bintana para tingnan ang mga grupo ng mga estudyanteng masayang nagkwekwentuhan."How I wish to see colours" bulong niya sa sarili
Napapikit siya sa naiisip at nagpasya na lamang na umalis ng bahay dahil papalubog na rin lang naman ang araw, hindi siya maaaring makakita ng mga sobrang silaw na mga bagay kung maari sapagkat mayroon siyang sakit na achromatopsia kaya sa hapon na lamang siya nakakalabas.
Kinuha niya ang isang cap sa kanyang kabinet at lumabas na, wala namang may pakialam kung lalabas siya dahil mag isa lang naman siya sa kanyang bahay na ibinigay ng kanyang uncle matapos mamatay ng kanyang mga magulang.
Pumunta siya sa kanyang paboritong lugar- sa tabing ilog at umupo sa isa sa mga bato doon habang pinagmamasdan ang kanyang sariling repleksyon sa malinis na tubig
"Black......white......grey.......black......grey....white.......grey.....white.........black" paulit ulit niyang sabi sa kawalan at inilibot ang kanyang mga mata sa paligid
'Ito ang kulay ng aking mundo'
Ngunit napatigil siya ng mahagilap ng kanyang mga mata ang isang babae, nagulat siya sa kanyang mga nakikita kaya ipinikit pikit at pinisil pisil niya pa ang kanyang mga mata.
"Wwwwaaaaahhhhhh!!!!! TANGINA!!!!" malutong na mura ng babaeng nasa tulay hanggang sa....
Tumalon ito kaya nagulat siya at biglang napatayo sa kanyang pagkakaupo at akmang pupuntahan ang babae ng umahon na ito sa tubig
Nakangiti ito matapos makaahon
Hindi pa rin maalis sakanya ang gulat sapagkat nakikitaan niya ng kulay ang babae, napangisi na lamang siya at binitawan ang mga salitang
"My light in the darkness"
BINABASA MO ANG
My Light in the Darkness
Teen FictionThe woman who gave colour in my life full of darkness