Chapter 6

13 1 0
                                    

Zhilymv's P.O.V.

Kumuha na ako ng mga noodles at canned goods dahil naubusan na ako ng pagkain sa bahay

Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay ay inayos ko ang mga damit ko at pagkatapos non ay nakaramdam ako ng gutom kaya tumingin ako sa kabinet at bumungad saakin ang walang kalaman laman na kabinet

Yung pagod at gutom ka na tapos makikita mong walang pagkain, badtrip

Nandito ako ngayon sa supermarket para mamili, ginamit ko na yung perang ibinigay sakin ni Razi—este papa pala dahil syempre anong gagawin ko sa pera? Kainin ko? Makabibili ba ako ng love gamit ang pera?

Habang naglalakad ay natakam akong bumili ng chocolate kaya iniwan ko muna ang kart ko para pumili

"Hersheys o goya?...hmmm..tobleron na nga lang pero...uhmm...dairy milk na lang"

Nahihirapan akong pumili kung ano ba talaga ang chocolate na bibilhin ko

"Yang apat na lang kaya"

"Oo nga eh" sago—

Napatigil ako at nakaramdam ng kaba sa pamilyar na boses, dahan dahan akong tumingin sa likod at nakita ko si Vino na nakangiti

Agad akong namula ng makita ang napakaangas niyang mukha dahil sa porma niya ngayon, lalo pang nakadagdag sa angas niya ang pasang ginawa ko na nagmukha siyang badboy

Yeah....badboy with a childish heart

"Hi, Zhily honey" he said seductively with matching kagat labi pa kaya alam kong sobra na ang pamumula ko

Eto ang mahirap sa marurupok eh

Napalunok ako ng lumapit na naman siya

"Miss me?" tanong niya kaya biglang nagsink in sa utak ko ang paghihintay ko sakanya kagabi

Inirapan ko na lang siya at kinuha ang apat na chocolate at inilagay ko na sa kart

Sumunod naman siya sa akin "Are you mad at me?" takang tanong niya habang hinahabol ang mukha ko para harapin pero di ko siya nililingon

Wala! Nagtatampo ako sayo! Hindi lang ikaw ang may karapatang magtampo sa ating dalawa!

"Hey, look at me Zhily honey" sabi niya pero di ko padin ito nililingon

Zhily Zhily honey ka pa..Tch. Halikan kita diyan e

Nanatili lang akong pumipili at siya ay nasa likod ko, sumusunod

Sa pagkainis ko ay nilingon ko na siya

"Ba't mo ba ako sinusundan ha?!" galit na tanong ko sakanya kahit gustong gusto ko naman talagang sinusundan niya ako

"Hindi kita sinusundan ah! Namimili din ako" pagtanggi niya sabay pout at kumuha ng yogu-yogu

Napatingin ako sa kart niyang .......

puno ng marshmallows

Napaikot na lang ulit ang mata ko at lihim na napangiti sa inaakto niya

Ang cute talaga niya hihihihihihi lalo na kapag nagp-pout at sa sobrang kakyutan niya nabwibwiset na ako

Pumunta na lang ako sa may mga napkin at kumuha doon, napalingon ako sa likod ng maramdamang andoon padin siya at andon pa nga

Nagpanggap ulit siyang tumitingin tingin ng napkin doon kaya bigla kong napalaki ang pisngi ko para pigilan ang pagtawa

Napalunok ako at kinausap na siya

"Ouy....bakit mo ba talaga ako sinusundan?" tanong ko at nakapout siyang lumingon sakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon