Chapter 3

8 1 0
                                    

Natulala siya sa kagwapuhang taglay ng lalaki, lalo itong gumwapo ng makita niya ang mga berdeng mata nito na kumikintab na parang emerald dahil sa buwan

Nakakapangtunaw din ang mga ngiti nito, napakakinis at puti nito na parang nahiya ang pagkababae niya

Hindi niya maalis ang titig niya sa lalaki...

Handsomeness is completely an understatement for this man infront her

"Eyy..too starstruck huh?" tanong sakanya ng lalaki na may ngisi sa labi kaya natauhan siya sa kanyang pagkatulala

Agad na lang siyang tumalikod at bumalik sa kwarto niya

"Oi! Teka! Sandali!" sigaw ng lalaki pero di niya ito nilingon bagkus ay sinara na lamang ang glass door at hinawi na pabalik ang kurtina

Napasandal na lamang siya sa pinto dahil sa paulit ulit niyang pagiisip doon sa lalaki, sa mga mata at ngiti nito..kaso nilagyan niya ito ng pasa sa mukha

Nagsisi na naman siya sa ginawa niya, dapat nagiisip muna siya at hindi nagpapadalos dalos

Hihiga na sana siya sa kama ng

*knock* *knock* *knock*

Natigil siya sa paglalakad at hinawi ang kurtina

"Hi—

Agad niya ulit itong hinawi pabalik

Hindi siya makapaniwalang tumawid ang lalaki galing sa balkonahe nito papunta
sakanya

"Hi Ms. Ilog pasig, di mo ba ako kakausapin? Di ka ba magsosorry sa ginawa mo sa napakagwapo kong mukha..Eyooww" sabi nito sa labas pero di niya ito pinapansin at nanatili lamang na nakikinig

"Gusto mo ba ng cookies? Meron ako sa bahay, tumawid ka lang kung gusto mo" sabi pa nito hanggang sa nanahimik na ang paligid kaya sumilip siya ng konti..

wala na ang lalaking may berdeng mata kaya bumalik na siya sa kama niya at nahiga

Napabuntong hininga na lang siya...

Di niya inaakalang kapit bahay niya ito at di niya din inaasahang tatawid ito sa kanyang balkonahe dahil ito'y napakadelikado

Oo, magkalapit lang ang balkonahe nila pero delikado pa rin ang ginawa nito

Ako'y sayo ikaw ay akin

Napabalikwas siya patayo dahil sa pagtunog ng gitara at sa boses na kanyang naririnig

Ganda mo sa paningin
Ako ngayo'y nag-iisa
Sana ay tabihan na

Nagdadalawang isip na siya kung kakausapin niya na ba ito o hindi

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Nahuhumaling na siya sa ganda ng boses nito pero patuloy niya lang itong pinakinggan at dinama ang kanta

Ayokong mabuhay ng malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina't tayo'y humiga

Lumapit na siya sa kurtina at gusto niya ng silipin ito, nanginginig na ang kamay niya at gusto na itong tingnan

Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan

Pagkatapos ng mga linyang iyon ay hinawi niya na ang kurtina at nagkatinginan sila sa mata

Parang matutunaw na ang puso niya dahil dito, kinakausap siya ng mga berdeng matang iyon

Hinihipnutismo siya nito...

My Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon