Chapter 4

4 1 0
                                    

Namula siya sa paghalik nito sakanyang kamay, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesang napakaimportante sa prinsipe

Binawi niya na ang kanyang kamay dito

"Thank you" pagpapasalamat niya sa paggamot nito sakanyang sugat

"May blower ka ba?" tanong nito sakanya habang inililibot ang tingin sa paligid

"Oo" sagot niya dito

"Can I borrow it?" pakiusap nito sakanya

"Aanhin mo naman?" nagtatakang tanong niya

"To use it of course" sagot nito kaya kinuha niya na lang yung blower niya sa drawer ng table sa tabi ng kama kung saan nakapatong din ang lampara

Iniabot niya ito sakanya

"Suklay?" he requested

Wala siyang nagawa kundi kumuha na din ng suklay

'Aanhin niya ba?' tanong niya sa sarili at iniabot na ang suklay at umupo ulit sa kama

Isinaksak ni Vino ang blower at itinutok ito sa kanyang buhok

Nabigla siya sa pagsusuklay nito sa basa niyang buhok

Paulit ulit din siyang napapalunok kapag tinititigan niya ito pati na rin ang adams apple nito

Hindi siya makagalaw sa ginagawa nito, gusto niya ng sumigaw sa kilig na dinadala nito sakanya

"Tumalikod ka" utos nito sakanya at wala siyang nagawa kundi ang sumunod

Dahan dahan nitong isinuklay ang kanyang buhok habang ramdam na ramdam niya ang init ng blower at pati na din ang init ng paligid

Nahihirapan siyang huminga at magisip dahil sa kakaibang nararamaman niya

Bigla nitong itinigil ang blower at inayos muna ang buhok niya

She felt his hands on her nape at sa gilid ng tenga niya, parang sasabog na siya sa ginagawa nito

Bigla niyang naramdaman ang hininga nito sa tenga niya kaya agad siyang napalunok at napatindig ang balahibo niya sa katawan

"Please explain to me....what happened Zhilymv.." bulong nito sakanya at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya sa pagbanggit nito sa pangalan

Laking pasasalamat niya na lang dito dahil pinatalikod siya kundi ay kitang kita na nito ang namumula niyang mukha

"W-wa-wala n-naman" nauutal niyang sabi

Naiinis siya sa sarili dahil sa pagkautal

"uh-huh?...wala? Then bakit ka nagkasugat?" bulong na naman nito habang daliri na nito ang naglalaro sa buhok niya

"W-wala.." wala na siyang maisip na pwedeng isagot dito

"Yan lang ba ang sugat mo?" tanong ulit nito at lumayo na sa tenga niya kaya nakahinga siya ng maluwag at biglang napahawak sakanyang dibdib

"Oo.." pagsisinungaling niya dito

Binuksan na ulit nito ang blower at sinuklay ulit ang buhok niya

Nang matapos ito sa ginagawa ay itinaas nito ang kanyang buhok

Hinawakan nito ang batok niya pababa sakanyang likod kaya biglang tumindig ulit ang kanyang balahibo sa katawan dahil sa gulat

"May pasa ka" sabi nito kaya napakagat siya sa ibabang labi "You're not a good liar...besides mainit ka din" sabi ulit nito

Panong hindi siya iinit sa ginagawa nito sakanya

My Light in the DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon