Kabanata 8

61 8 0
                                    

"Class! Silent!" Bigla namang dumating si Ma'am Vicky sa'ming classroom.

"Wala tayong klase ngayon for preparing para sa darating na MR. AND MS. MATH CAMPUS 2019. And sa lahat nga pala ng Sci/Math members dito, may meeting daw kayo sa office nyo ngayon na. At sa lahat ng matitira, tumulong kayo sa pag dedecorate ng buong gymnasium, ang iba maglinis ng ground. Yung iba dito sa room. Basta, pagandahin ang school. Mamaya ko sasabihin kung sinong ating muse and escort. Dismiss."  Hayst, wala na namang klase? Well, not bad.

Agad namang nagbulong-bulungan ang mga kaklase namin.

"Huhhh? May muse at escort!?"

"Oo naman. Alangan namang wala, sinong mananalo dun?."

"Oo nga! Eto naman oh!"

"Hey, Tashie. Tara na" yaya sa'kin ni Isabelle.

Papunta kami ngayon sa Sci/Math office. Mag m-meeting kase kami para sa Math Campus na 'yun!

And yow. Wala ang aming president kase suspended nga sya. Kaya nakay Ashy nakasalalay ang lahat. Psh! Let's see kung anong ideya at dapat ika-uunlad ng school ang kaya nyang gawin.

"Good Morning, Math Club Members! Siguro naman aware kayo sa magaganap na naman nating activity. I know, taon-taon natin 'tong ginagawa. But, our beloved principal was expecting na mas magiging maganda ang MR.&MS. Math Campus na'tin. So, were here para pag-usapan ang mga dapat pag-usapan."

Si Sofia yung nagsalita. Grabe. Dapat pala sya nalang yung nanalo bilang president.

"Dahil wala ngayon ang ating president, si  Vice president muna ang bahala sa'tin." Sabi naman ni Sofia at binigay ang mini mic kay Ashy.

***

Natapos ang aming meeting at bumalik na kami sa room. Wala namang masyadong pina-assign sa'ming members. Puro sa officers lang.

"Hoy! Babaita!" Tawag naman sakin ni Belle na ngayon ay naka-upo lang naman sa unahan ko.

"Whut?"

"Sino kayang muse natin 'noh?" Tanong nito sa'kin.

" I dunno." Sagot ko.

Umub-ob nalang ako sa'king desk at hinintay si Ma'am na bumalik.

***

"Psst! Tashie! Gising!" Naramdaman ko nalang na may umuuga sa'kin. Si Belle pala.

"Andyan na si Ma'am." At dahil dun agad naman akong napa-ayos ng sarili.

Ano ba'yan!? Nakatulog nako.

"So, Class ang ating escort para sa ating MR.&MS. MATH CAMPUS ay si Kiro Santos."

Naghiyawan naman ang mga kaklase ko habang kita ko namang nagulat dun si Kiro. Hahahahaha. Nako, Kiro. May question and answer portion dun. Hahahaha.

"At ang ating muse ay si Tashkhent Gift."

What!? T*ngena!? Ako? Bakit ako????

"Oyy bess! Ikaw daw! Yiiii. Galingan nyo ni Kiro haaaaaaa!" Para namang luka 'tong si Isabelle eh.

"Ok. Kiro and Tashie proceed na kayo sa Gym may practice kayo ng rampa nyo."

Agad naman kaming tumayo ni Kiro. Sumunod naman samin ang tropa. Papanoorin daw kami! Hahahaha. Mga luko at luka! Palibhasa walang klase.












What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon