Kabanata 17

32 5 0
                                    

"Uyyy! Payag na si Ma'am na manuod tayo kase kaklase naman natin ang dalawa sa mga players!" Masayang sambit ni Belle.

Uhhh yeah. Si Ashy and si Kiro.

"Bili tayo ng pagkain sa canteen! Taraaaa naaaaaa!" Sabi nito na tuloy-tuloy ang hila sa'kin.

Bumili kami ng fries at kung ano ano pa. Psh. Pinabayaan ko nalang itong si Belle. Libre nya naman eh. Maya-maya pa'y pumewesto na kami sa gymnasium malapit sa players namin. Itong si Belle may pa-banner pang nalalaman. Nako, jusko.

"Babe, galingan mo ah?" Untag ni Belle kay Renz.

"Yes naman po, Babe. Para sayo 'to." Sabi nito.

"Ehem! Baka langgamin." Singit ko naman.

"Kung sinasagot mo na si Ashy, hindi ka ganyan. Jusko 'tong babaeng 'to." Sabi naman ni Belle.

Umirap nalang ako sa kawalan. Hindi naman nanliligaw yung tao eh, bakit ko sasagutin?

Hayst.

Nagsilabasan na ang mga players. Grabe. Punong puno ang Gym. May mga outsider kasi. Nagsimula nang mag-ingay ang lahat.

Jersey number 3 si Ashy. Weww, that's my favorite number.

"GOOOOOO! BABEEEEEEEE!" Nako. Nakakabinging katabi nitong si Belle.

May mga taga Padre Vicente na todo cheer din sa mga players nila.

Psh. Bulok naman yata?

"Kyaaahhh! Ang pogi nung jersey number 3!!!!" Sigaw ng katabi kong taga PVNH.

"Yung Bautista!"dagdag pa nito.

Ahhh. Si Ashy.

Teka, bakit ba sila kumakampi samin? Ano? Aminado silang mahina ang players nila? Psh. Wala pala eh.

"Hmm. Tashie. Tama na ang death glare. Mamatay na yang taga Padre Vicente. Jusko, babaeng ito." Sabi naman ni Belle kaya agad napalingon samin yung mga babae.

"Uhh. Girls, boyfriend nya kasi yung Bautista." Sabi naman ni Belle na syang ikinalaki ng mata ko.

Whattt?

"Uh oh. Sorry, di ko alam." Sabi ng mga yun tapos umalis na sila dun sa tabi namin.

"Bakit mo sinabi 'yon?" Paling ko naman kay Belle na ngayon ay inaayos ang kanyang banner.

"Para tumigil kana. Kung nakakamatay lang ang tingin mo kanina, malamang patay na yung babae. Ayaw mo pang aaminin. May gusto ka din naman kay Ash. Wag mo na kaseng pahirapan yung tao. Mahal ka nun, don't worry." Sabi pa nito.

Tsss.







***

Nagsisimula na ang game at kanina pang sigaw ng sigaw 'tong si Belle sa tabi ko. Arghhhhhh! Basag na Eardrums ko!

Mainit ang labanan. 3rd Quarter na at sa ngayon si Ashy ang nagdadala ng bola. Lamang kami ng 10 puntos 50-40 ang score

Napalingon ako sa kanya na ngayon ay nakatingin sa'kin. Balak nya yata i-three points yung bola.

"Tashie! This is for you!" Sigaw nya sabay shoot ng bola.

PASOK!

"Bautistaaa for three! Pasok!" Sabi ng announcer.

Napalingon naman lahat ng tao sakin. Yung mga nasasalikudan ko. Kinikilig pa. Wew.

At si Belle? Eto, nag collapse na.

"Pot*nginaaaaa! Sana all!" Sigaw nya sabay wagayway ng banner. Psh. Iba na talaga ang saltik nito.










***

What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon