Kabanata 1

223 14 4
                                    

"Dad, I'm fine. Big girl na 'ko. I can handle this." Sabi ko kay Daddy.

"You sure?" Paniniguro nya.

Nandito  kami ngayon sa salas at inaayos na ang mga gamit ko. Papunta kami sa probinsya at dun ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko sa grade 10. Lilisanin ko muna ang Maynila. Ayoko munang masaktan.

Ayoko muna syang maalala.

"Opo." Sagot ko naman.

"Bakit ba ayaw mo na sa dati mong school? Sa Mharfell?" Nagulat naman ako sa tanong nya. Hindi ako maka imik.

Ayoko na, please.

Ayoko nang maalala ang lahat.

"I know kung ano yang nasa isip mo." Agad naman akong napatingin sa kanya.

"Nabanggit sakin ni Thelina na naging kayo ni Aj. Sa totoo lang anak, nagulat ako nung nalaman ko iyon, kase napaka bata nyo pa para sa mga bagay na 'yan. Pero, naniwala ako sa'yo. Alam kong kaya mong ibalanse ang mga bagay na 'yon. Tsaka alam ko noon na, mabuting tao si Aj. He won't hurt you."

"Pero sinaktan niya parin ako, Dad..." shocks! Naiiyak na naman ako.

"Yun na nga eh! Isa talaga yung jerk! I want to punch his face!!" Galit na sabi ni Dad.

Napayuko nalang ako ng maalala lahat ng panloloko nya sakin.

Aj Sandoval

My 1st love. Kauna-unahang lalaking nagpadama sakin ng love. Kauna-unahang naging mundo ko. Kauna-unahang lalaking nagpakilig lalong higit sa lahat kauna-unahang lalaking nanakit sakin at kauna-unahang lalaking nang-iwan.

"Pero alam mo Tashie, kung ano man ang napagdaanan mo nung nasa Mharfell kapa. Serve that as your lesson. Gawin mo 'tong guide to your next school year sa papasukan mong school. And one thing pa, kaya kita hindi pinigilan dun kahit alam kong nililihim mo sakin na may kasintahan kana ay para matuto ka at hindi nga ako nagkakamali, maghihiwalay nga talaga kayo."

Fudge! So? Gusto talaga ni Dad na maghiwalay kami?

"Learn how to fight." He said.

"But Dad, I fight for him..."

"Learn how to fight the things that is worthy to fight for." He continued.

Omyyyy! Si Daddy ba talaga 'tong kausap ko? 

"Thanks, Dad."

"You're Welcome, My Princess." sabi niya sabay halik sa aking noo.

Kami nalang dalawa ngayon ni Daddy kase namatay si Mommy sa isang Car Accident. Sobra ang iyak ko nun kase pauwi na sya nun sa work nya. Tapos, nabalitaan ko nalang na

"Tashie, wala na ang Mommy mo."

Oh God. I miss you, Mom.

Inilgay na ng mga maids namin ang aking bagahe sa likod ng kotse. Papunta na 'ko ngayon sa probinsya namin sa Batangas. Bale, sa mga Tita ko muna ako tutuloy.

This is my new life. Whoo! Kaya natin 'to Tashie!! Fighting!!

Sad. Hindi kasama dun si Dad. Kase may unfinished business syang tatapusin dito sa Manila.

Pasakay na 'ko sa kotse nang magsalita ulit si Dad.

"One last thing, Tashie."

"What's that, Dad?"

"You know, how much I love you and your Mom. Alam mo namang nawala na sa atin ang Mommy mo. Ayoko ding mawala ka sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka pa sa akin."

What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon