Kabanata 14

37 6 0
                                    

"Hija..hindi kaba papasok sa eskwelahan mo?" Tanong sa'kin ni Manang, isa sa mga katulong dito ni Tita.

Habang ako, eto. Nakahiga pa sa kama at umiiyak. P*cha.

"Hindi po muna, I'm not feeling well po eh." Sabi ko rito.

"Sya sige, magpapadala nalang ako ng excuse letter sa teacher mo." tugon nito.

"Thank you po."

Holyyyysh*t! Umiyak lang ako ng umiyak simula kahapon. And ugh! Damnnnn.

Naisipan kong tumayo at pumunta sa'king study table. Kinuha ko muli 'yung mga boxes ko dun. Hinalungkat ko muli ang nga pictures namin ni Aj dun. Pinagpupunit ko ang mga ito.
Damn!

Tama si Tita, when I truly love that person, pakakawalan ko ito.

Pagtapos nun, naisipan kong lumabas. Pupunta akong mall. Wala akong pakialam kung may makakita sa'king taga Maximo. Nagbigay naman ako ng Letter sa school.

Nagpaalam ako kay Tita at pinayagan nya din naman ako kase para daw ma-refresh ang utak ko.

Nag commute na'ko papuntang Mall.

Nanuod lang ako ng sine pagkatapos, kumain ako. Tsaka tumambay dun sa may fountain.

P*cha. Anong klaseng buhay kaya ang meron ako. Hayst.

Maya-maya pa'y may babae na parang kasing edad ko lang ang nasa tabi ko. Iyak sya ng iyak. Nag-cutting class din sya? Ehh?

Hayst, baka dahil pinalayas siya?

"Excuse me, Miss---" nagulat ako nung humarap sya.

Ang liit nga naman ng mundo.

Thelina.

"You!?" Inis kong sabi rito. Aalis na sana ako ngunit pinigilan nya'ko.

"S-sorry, Tashie." Sabi nya habang tuloy parin ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Sa totoo lang galit parin ako, pero ito yata yung sinasabi sakin nina Tita at Dad na kausapin ko muna sya at pag explainin sya.

"Sumunod ka sa'kin." Sabi ko rito at sumunod naman sya.

***

Nandito kami ngayon sa parking lot. Medyo kakaunti ang tao ngayon kase Martes ngayon at may mga pasok ang iba sa trabaho at paaralan.

"T-tashie.. l-let me explain..." nanginginig na sabi ni Thelina.

Iyak parin sya ng iyak.

"Go and defend yourself, bitch!" Sigaw ko rito.

Mas lalo lang syang umiyak ng umiyak. Inirapan ko nalang sya.

Fvck! Naiiyak din ako!

"Kung iiyak ka lang dyan, I better have to go. Nagsasayang ako ng oras sa tulad m---"

"No.. please." Pigil ulit nya. "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko Tashie! Don't judge me! Kahit sarili ko ikinahihiya ko na din! Last month, lumabas ako ng bahay for me to hang out. Nagpunta ako sa bar para mag pa chill, nakita ko dun si Aj. I thought kasama nya si Alex. Pero hindi, tapos nagkwentuhan kami. Hanggang sa nag-alok sya sa'kin ng isang inumin. I was so drunk that time. At halos 'di ko na alam ang aking ginagawa! Hanggang sa tinaggap ko ang inalok niya. Nahilo ako that time, then suddenly everything went black. T-tapos... nagising nalang akong nasa kama at h-hubad.." sabi pa nito na syang ikinalaglag ng aking mga panga.

DAMN. YOU. AJ! PAGBABAYARAN MO ITO LAHAT!

"And now, nung nalaman kong buntis ako..natakot ako, Tashie. Natakot ako. Kaya I kept it as a secret. Sinabi ko ito kay Aj pero sabi nya hindi nya daw ito matatanggap. Masisira daw ang reputation nya. Kaya nag decide akong lumuwas dito sa Batangas para hanapin ka. Dahil kayo palang dalawa ni Aj ang may alam na buntis ako. Pinaghahanap na'ko ngayon nina Mom and Dad. And I'm really scared na sabihin ang totoo.."

What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon