Kabanata 24

46 4 0
                                    

Ilang araw na din ang nakalipas. Nagyaya akong mag arcade kasama ang buong tropa pero tinanggihan nila ito. Puro sila may dahilan. Iniiwasan ba nila ako? Bakit ganun? Si Belle? Hindi ko din maka-usap ng matino. Even Ashy, ang cold na nya.

Bakit ganito?

"Tashie, your Dad is here." sabi ni Tita nang biglang bumukas ang pinto. Bakit ganun? Walang buhay yung pagkakasabi nya.

"Okay po, coming." sagot ko rito.

Wow, na-miss yata ako ni Daddy.

Bumangon na'ko mula sa pagkakahiga ko sa kama at ag-ayos na din ako ng sarili ko at tsaka bumaba.

Nadatnan kong nakaupo si Daddy sa sofa.

"Hi, Dad. Goodmorning." Bati ko rito.

Bumati din naman sya sa'kin pabalik pero mukhang matamlay sya.

"What brings you here, Dad?" tanong ko rito.

Bigla nya naman akong tinitigan. Mata sa mata. What is happening? Bakit ba halos ganto lahat ng taong nasa paligid ko? Mukhang may gusto syang sabihin sa'kin pero parang mas nangingibabaw sa kanya ang takot.

"Dad??"

"Tashie, listen up." pagkasabing pagkasabi nya noon ay tila ba nakaramdam ako ng takot at kaba. Ewan ko, basta parang di ito maganda.

"Nanakawan tayo." pagkasabi ni Dad non halos malaglag ang panga ko. ANO? KAMI? NANAKAWAN? HOW?

"I mean, nanakawan tayo. Yung kompanya natin. We hired some employees last last week na syang mag h-handle ng pera ng kompaya  pero ang hindi namin alam, sa kanyang pangalan pala ang nilalagay nito sa permit at hindi pangalan ng kompanya. Natangay nya sa'tin ang mahigit sa 76 million pesos. Wala tayong sapat na pera para don. Marami pa tayong utang na dapat bayaran at isa pa sa kompanya lang tayo umaasa para sa araw-araw nating pangangailangan. And ang malala pa, nagtago na ang suspek!" halos mangiyak-ngiyak na sambit ni Dad.

FUCK.

WHAT THE FUCK.

" A-and my friend offered to me his son. I-if y-you're g-going to m-marry him. Magiging b-business p-partner kami at mababayaran na natin ang lahat ng u-utang natin." dagdag pa na sabi nito.

NO.

NO, HINDI PWEDE.

Paano si Ashy?

"Dad! You know naman po na may boyfriend nako! I love Ashy so much!" sabi ko rito at naiyak na din ako.

"I-i k-know." sabi pa nito.

Niyakap ko si Dad. Paano na 'to? Paano nalang kami? Saan nalang kami kukuha ng ganong kalaking pera para sa'ming kompanya? Paano na namin mababayaran ang aming mga utang?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung isusugal ko ba ang sarili kong kasiyahan alang alang sa'min ni Dad? Hindi din naman kase sapat na si Tita Flor muna bahala sa'min e.

Tashie, kaylangan mong mag desisyon ngayon din! This is for your family's sake! Arghhhhhh!

Agad kong tinalikuran si Dad. Pagtapos non ay kaagad akong lumabas ng bahay at tsaka pumara ng tricycle.

Pupuntahan ko si Ashy.

Pupuntahan ko sya.

I need him more today.











***

Nasa tapat nako ngayon ng bahay nila.

"Ashyyy! Ashyyyy!" sigaw ko.

Naiiyak nako ngayon.

Lumabas sya mula sa kanilang bahay. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Tangin*, bakit ba ito nangyayare samin? Hindi ko kayang iwan si Ashy! Mahal na mahal ko sya.

"Shhhhhh, tahan na." sabi nito sa'kin.

"Ashy--" naputol ang aking sasabihin nang bigla syang nagsalita.

"Alam ko na ang lahat." sabi nito at tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. F*ck! May namumuong luha dito. Naiiyak sya.

"Naiintindihan ko ang lahat, Tashie. Kaylangan mo yung gawin for the sake of your company at sa iyong ama." sabi nito.

Tanging iling lang ang naiisagot ko rito. Iling na may kasamang iyak.

No, Ashy. No. Kaya nga ako nandito e, kase kaylangan kita. Wag mo naman akong itaboy, please?

"Be with h-him." pagkasabi nyang iyon at pumatak na ang mga luhang kanina nya pang pinipigilan. Tila pinagsakluban naman ako ng langit at lupa.

Ano raw? Ano daw sabi? Be with him? Si Ashy ba itog kausap ko? Ha?

Yung lalaking ayaw na ayaw akong mawala. Yung lalaking gusto sa kanya lang ako. Yung lalaking ayaw akong i-share sa iba. Magsasabi ng "Be with him" ?

"A-ashy..?" garalgal na ang boses ko ngayon.

Umiiyak lang sya.

"Yun ang tama at dapat, Tashie. Yun lang ang nakikita kong solusyon. Mahal kita kaya ko 'to ginagawa. Ayokong balang araw ay maghirap kayo dahil lang hindi ka sumama sa lalaking iyon." sabi pa nito.

Ha? Ano daw? 

"Go away Tashie. Get a life! From now on, I'm going to push you away! Away from me. Thanks for all. I'm breaking up with you."

T*ngina ano daw!? Nabibingi na ba ako? Tama ba yung narinig ko? B-break? kami? Magb-break?

"Ashy naman e!" sabi ko rito at patuloy parin sa pag-iyak.

Bakit mo ba'ko pinagtutulakan palayo?
Bakit ka ganito Ashy?

"Just go and get a life. I'm okay don't worry. I love you....Goodbye." sabi nito at tsaka ako tinalikuran at isinara ang kanilang pinto.

Iyak lang ako ng iyak ngayon.

F*CK YOU ASHTON LEE! Fu+*ck youuu!

Sa padalawang pagkakataon, tumingin ako sa kanilang pintuan. Nagbabakasaling magbabago pa ang isip nya at pagbubuksan nya'ko ng pinto at sasabing "Sorry, hindi ko sinasadya." Pero lumipas ang ilang sandali, walang Ashy na bumalik. Walang Ashy na nagbukas ng pinto.

Tuluyan nya na ngang tinanggap ang lahat. Samantalang ako, heto. Umiiyak na naman.
Masakit para sa akin ang lahat. Ikaw ba naman itong minsan na lang makatagpo ng lalaking katulad ni Ashton tapps may ganitomg problema? Hindi kapa nakakapag-isip ng desisyon pero siya may desisyon na? T*ngina lang!

Umalis na'ko sa kanila. Babalik na'ko samin. Desidido na'ko, sasama na'ko sa lalaking sinasabi ni Dad.

"Kung iyan ang gusto mo Ashton Lee Bautista, sige gagawin ko." pinunasan ko ang aking luha at umalis na sa lugar na iyon.


What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon