Kabanata 6

50 8 0
                                    

"Hi Tashie! Ayos na ga ang pakiramdam mo?" Bungad na tanong sa'kin ni Kiro.

"Yap. Thanks uli." Sagot ko naman.

"You're welcome." Sabi nya at tumalikod na sya sa akin.

Hayssss. What a sad morning!

"GOOD MORNINGGGGGGGG!" Bungad namang hiyaw ni Ashy sa tainga ko.

"ARHGGG! HOY! WALA NANG GOOD SA MORNING! AGANG-AGA! EH! SA BOSES MO PALANG SIRANG-SIRA NA!" Sabi ko rito at tumalikod na.

P*cha! Mamb-bwiset na naman 'tong si Ashy eh!

"Taray naman! Isa ngang malutong na mura dyan!" Sabi pa nya.

Aba! Sinusubukan ako ng hay*p na 'to.

Oo, girly ako dati pero dahil nakabarkada ko ang mga 'to ayun! Naging asbag na'ko. HAHAHAHAHAH. Patay ako nito kay Daddy.

"P*kyu ka! Agang-aga namb-bwiset na naman." Sabi ko rito at sabay harap sa bintana.

Tumawa naman sya ng malakas.

Oh? Anong nakakatawa dun? Sinunod ko lang naman ang sinabi nya?

"Tsk. Bunganga mo talaga, Tashie. Tsk tsk." Sabi pa nito.

"Hoy! Ashton Lee! Wag mo'kong sisisihin dahil sa iniimik ng bunganga ko! Sa inyo ko rin 'to natutunan!" Bwelta ko pa.

"Psh." Sabi nalang nya.

"EHEM!" bigla namang sumulpot sa unahan ko si Belle.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko naman rito.

"Eh kase nilibre pa'ko ni Renz ng almusal eh!" Kinikilig pa nyang sabi.

"Jusko! Ang harot harot! Magb-break din naman!" Sabi naman ni Ashy.

"Baka gusto mong sabihin ko kay----" sabi naman ni Belle.

"Sabi ko nga 'di na'ko iimik pa." Sabi naman ni Ashy.

Tsk. Bahala kayo sa buhay nyo. Wala akong panahon para makipag-sagutan sa inyong dalawa. Dahil hanggang ngayon, iniisip ko parin kung pa'no nagawa sakin 'yon ng pinaka Bestfriend ko.

Taimtim nalang akong nakatingin sa may bintana.

Hmmmp. Bakit kaya 'di pa napasok si Raf? Mags-start na yung klase e lagi naman yung maaga dumating.

"Pst! Bruha! Antahimik mo yata?" Tanong naman ni Belle.

"Lalim ng iniisip ah?" 

"Wala." Sagot ko nalang.

Magsasalita pa sana sya kaso bigla namang pumasok si Ma'am Vicky kaya natahimik lahat.

Whutt? Bakit kaya wala pa si Raf?

"Kung hinahanap mo si Raf, absent sya ngayon kase may sakit sya." Sabi naman sa'kin ni Kian.

Napatango-tango nalang ako. Siguro nabasa nya ang sinasabi ng isip ko na 'bakit kaya wala pa si Raf?'

"Ok, Class magkakaroon kayo ng pairwork. Ipamimigay ko 'to sa inyo." May ipinakita sya sa'ming nga test papers. "At kapag nasagutan nyo 'to hindi na kayo mag q-quarterly test."

Agad namang nag-ingay ang buong klase.

"Ma'am sino po ang magiging ka-partner namin?" Tanong naman ng isa kong kaklase.

"Yun na nga, ang kapartner nyo ay ang mga katabi nyo sa upuan." Sabi pa ni Ma'am. "And walang magrereklamo. Pwede nyo 'yang gawin outside the classroom pero bawal sa bahay o sa labas ng campus. Until tommorrow ang deadline."

What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon