Kabanata 2

106 12 0
                                    

Fisrt day of school ko ngayon. Hasyt, sana lang naman makatulong itong 'Province Vacation' ko pansamantala dito.

Ibinigay din sakin ni Tita Flor ang magiging uniform ko dito sa school na papasukan ko. Ito nga pala ang Maximo National Highschool. Yep, public school sya. Nasawa na din kase ako sa private. So, nagpa request ako kay Dad na sa public ako mag-aral. Nung una nga, di pa sya makapaniwala. Pero sa huli, ayun! Pumayag din.

Whooo!

"Tashie, aalis na tayo. Dalian mo na dyan." Paalala sakin ni Tita Flor.

"Coming.."

"Wow! Ang ganda ganda naman ng pamangkin ko! Naku, daming magkakagusto sayo dun!" Papuri pa nya.

Napa tsk tsk nalang ako. Tama si Dad, I should guide my heart for the 2nd time.

Habang nasa kotse, tahimik lang din ako. Nakikinig mg music.

~Kung ga'no kabilis nagsimula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?
Upang 'di na umasa ang pusong nag-iisa

~Pasensya kana
Sa mga kathang-isip kong ito
Wari'y dala lang ng pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang lalayo sa iyo
Lalayo sa...

TF! Bigla ko nalang hinablot ang earphones na suot ko ngayon. Letcheng kanta 'yan!
Di ko namalayang nakatingin na din pala si Manong Driver sa akin sa mirror na tila ba'y nagulat din sa 'king ginawa.

Damn.

'Yan kase yung nararamdaman ko NOON kay Aj.

Bakit kase puro gan'to  mga musics ko?

Ti-nurn off ko na ang aking phone dahil nasa harap na pala kami ng school.

Whew? Gan'to ba pag public? Medyo kalawangin ang gate?

'MAXIMO NATIONAL HIGHSCHOOL'

Ok. This is it. Pansit.
Lumabas na naman ako sa kotse at pumasok na sa loob ng school.

OoooooOh! Puro mga tanim na halaman dito. At halos lahat ng studyante ay naglilinis. Wtf? Gan'to ba sadya rito? Wala ba silang janitor? Or janitress?

May ilang nagdudukal, nagtatanim, nagwawalis at ang iba naman ay nanlilimot ang basura.

Habang sa paglalakad ko sa gitna, halos napapatigil naman sila sa kanilang ginagawa at nakatingin sila sa akin.

Whew? 'Nung meron?

Agad naman akong nagpunta sa Principal's office upang makipag-usap muna sa Principal.

Eh kaso, saan ba ang Principal's Office?

"Uhmm, Hi? Good morning? Saan po dito yung Principal's office?" Tanong ko sa isang babaeng nagdudukal.

Napatulala naman sya ng makita ako. Whuut? Mukha ba 'kong multo?

"A-ate?" Pag-uulit ko uli sa kanya. Agad naman syang natauhan nang magsalita ulit ako.

"Ahh, sorry po? Ano nga po ulit ang tanong nyo?"

"Saan po ba dito ang Principal's Office?"

"Ahhh, dumiretso lang po kayo dito tapos pag narating nyo po yung dulo kumaliwa kayo at sa bungad, nandun na po ang Principal's Office." Sabi nito na pinupunas-punasan pa ang kanyang kamay na puno ng lupa sa kakadukal.

"Ah okay, thanks!"

Agad ko namang sinunod ang sinabi sakin nung Ate kanina.

PRINCIPAL'S OFFICE

What If'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon