Alleah's P.O.V.
Iminulat ko ang mata ko at kinusot kusot ito.. Binungad ako ng liwanag galing sa bintana. Naalala kong hindi pala ito ang kwarto ko dahil lagi kong sinasara ang bintana ko. Bakit parang ang lamig naman ata, alam ko e summer ngayon pero giniginaw ako at medyo malakas ang hangin na dumadampi sa katawan ko.
Tumingin ako sa kumot ko at—
"WHAT THE?!" nanlaki ang mga mata ko at namuo ang pawis sa noo.
Papaanong nakahubad ako at nakabalot ang katawan sa kumot na toh. Imposibleng hinubaran ko ang sarili ko o baka may gumahasa sakin.
Letche.
Agad kong kinuha ang damit ko na nasa sahig nagkalat. Imposible toh. Hindi ko kayang magawa yun, hindi ako nakipagtalik. Hinding hindi.
Puno ng pagtataka ang isip ko ngayon. Gulong gulo na ko, hindi naman ako naglasing kagabi ah! Ayokong mag-isip ng kung ano ano pero habang nagdadamit ako ay laging dumadaan ang mga posibleng bagay na nangyari kagabi.
Wala naman akong kasamang lalaki kagabi.
Teka.
Yung lalaki?
Ewan ko.
Ayokong masira ang pagkatao ko dahil dito, hinding hindi ko matatanggap ang sarili ko kung ano mang nangyari. Ganun na ba kahilo ako kagabi at nawala na ako sa sarili? No!!! No way!?!
Hindi ko namamalayan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sobrang kaba at lito. Hindi maaaring mangyari to posibleng may gumahasa sakin o.. Basta ewan ko.
Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid kung may tao bang nasa loob ng kwarto na to pero wala at tahimik ang buong lugar.
Tanging ang isang note lang ang nakita kong nakalapag sa table ko. Kanino naman kaya to galing?
"Thank you, nag-enjoy ako. Sa uulitin"
Basa ko sa note. Pumatak ang luha ko at nanghina sa nabasa.
"Demonyo!" Sigaw ko dahil sa sobrang tensyon, hindi ko alam ang gagawin ko...
Hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi dahil baka nalaman ng mga kaklase ko ang nangyari. Feeling ko ang dumi dumi ko.
Letche!
Ano nalang ang magiging imahe ko sa lahat. Sobrang sama ng lalaking yun! Pinagsamantalahan niya ako.
Agad na tumayo ako at lumabas ng kwarto, bumungad sa akin ang mga kaklase kong tulog at halatang pagod na pagod dahil sa party ang iba naman ay halatang lasing.
Whatever!
Kinuha ko ang bag ko kung saan nakalagay ang lahat ng gamit ko. At hindi na nagpaalam na umalis.
"Hey Alleah!"
Napahinto ako ng marinig ang tawag ni Maxine.. Nilingon ko ito at di nagpahalatang umiyak.
"Uuwi na sana ako." Di mapakaling sambit ko.
"Ahh okay... Bakit parang maga yung mata mo?" Pag-aalala niya kaya umiwas ako ng tingin sakanya.
"K-kasi.. Kakagising ko lang" Palusot ko naman.
"Ok ka lang ba?" Muli nitong tanong.
"Yes, thank you.. Uuwi na ko" Paalam ko at saka na naglakad palabas ng gate nila.
Hindi parin matanggal sa isip ko ang note na ito. Dinala ko ang note dahil baka may ibang makabasa at magtaka. Ayokong may ibang makaalam pa nito.
"Napakatanga mo naman kasi Alleah eh!" Sambit ko sa sarili habang pinupunasan ang luhang ayaw paawat sa pagpatak.
YOU ARE READING
Wrong To Right Path
Teen FictionWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...