Guys I changed the surname of Alleah from Dalumpines to Mercado.💜
-
ALLEAH'S P.O.V.
I took a deep breath before I lay down on bed. There's a lot of things happened this day. Binungad ako ng problema ngayon at parang walang magandang nangyari. Hoping na makita ko uli ang lalaking yun para maliwanagan na ako sa nangyari. Alam ko sa sarili ko na walang nangyari kagabi. Imposible yun.
"Tok.. Tok.. Tok.."
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at binungad ako ng ngiti ni Yaya Juana at may dalang tray na may masasarap na pagkain.
"Leah, kanina kapa kasing umaga hindi kumakain kaya dinalhan muna kita ng makakain" Sambit niya at inilapag yun sa lamesa katabi ng kama ko.
"Salamat po Yaya"
Kinuha ko ang gatas na dala niya at ininom ito.
"May problema ka ba Alleah?" Tanong nito na nagpatigil sa pag-inom ko.
"W-wala naman po" Pag-sisinungaling ko naman.
"Basta kung may problema ka pwede mong i-open sa akin baka matulungan kita"
Ngumiti at tumango lang ako sa sinabi niya at saka naman ito lumabas sa kwarto ko.
Matagal ng nagtatrabaho si Yaya Juana sa amin, inaalagaan niya ako simula pa noong baby pa ako. Alam ko namang mapagkakatiwalaan si Yaya, siya ang lagi kong nilalapitan pag may problems ako at humihingi ng payo.
For now on wala muna akong balak na magsabi sakanya. Tama narin muna yung ako at si Sheika yung nakakaalam. Im not yet sure how will I solve this. Kung kailan patapos na ang school year nangyari pa ito.
Nang matapos akong kumain ay naisipan kong lumabas muna para magpahangin.
Idinuyan ko ang sarili ko sa duyan naming malapit sa swimming pool. Dumadampi sa balat ko ang lamig ng simoy ng hangin and I really want it, like it makes me feel on heaven... tumingin ako sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin, sana isang mahabang panaginip lang ang lahat ng ito. Siguro mas maganda kung wag ko munang intindihin yun. At magfocus muna sa mga mangyayari ngayon at sa mga darating pa na araw.
"Why you're still awake?" Sulpot ni Ate Freya.
"Its none of your business" Agad na bumaba ako sa duyan at balak na umalis na pero bago ako makaalis ay hinawakan nito ang braso ko para pahintuin ako.
"Ano bang problema mo?" Kunot noong tanong niya.
"Gusto mo malaman kung anong problema ko?"
"Bakit? Pag nalaman mo ba matutulungan mo ko? Diba hindi naman? Kasi pupunuin mo lang naman ng sermon yung tenga ko hanggang sa mabingi na ko at wala ng makuhang solusyon galing sayo. Kaya wala karing matutulong"
Marahas na tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tuluyang nakalayo sakanya at napilitang bumalik sa kwarto ko. Hinayaan ko nalang muna ang sarili kong kainin ng antok.
-
Maaga akong nagising para pumasok sa school, practice ng moving up namin ngayon. Hindi ako handang pumasok pero kailangan ko kaya napilitan nalang akong mag-taxi dahil ayokong sumabay kay Ate Freya.
Binuksan ko ang phone ko at nagscroll muna ng facebook posts. So what's new? Puro memes lang naman ang tumambad sa akin.
Nagulat ako ng makita ang isang notification na nagpop-up sa screen ko.
YOU ARE READING
Wrong To Right Path
Teen FictionWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...