FREYA'S P.O.V.
"Freya kailan nga pala ang balak niyong sumama ng kapatid mo sa amin ng Dad mo?" Tanong sakin ni Mommy habang kumakain ng pizza samantalang si Dad naman ay abalang nanonood ng TV
"Hindi ko pa po alam Mommy, I think mas maganda po sana kung ngayong year... Kasi graduate na po si Alleah sa high school... And pwede namang sa ibang bansa nalang din ipagpatuloy yung pag-aaral niya." Suhesyon ko.
Mmm..Sarap ng pizza..
"How about you?"
"I don't know. Hindi naman po pwedeng dun din ako sa ibang bansa mag-aral gagraduate nadin po ako ng College, kaya pwede naman po akong bumalik nalang dito if ever na sasama kami sainyo." Nakangiting sagot ko kay Mom.
"Ayoko ng ganun Freya... Gusto ko magkakasama kayo ng kapatid mo" May awtoridad na sabi ni Mom.
"Hehehehehehe sige po Maam if that's what you want"
"Mom?"
"Mmm?"
"Natapos na po si Alleah sa high school hindi niyo na po ba siya ipaparelasyon sa mga kabusiness niyo.. Diba?" Pag-iba ko sa usapan kaya natigilan si Mom sa pagkain at si Dad naman ay napalingon samin.
I think mali ang iniisip ko.
"Ahmm. Actually gagawin parin namin yun sakanya"
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig dahil sa sinabing yun ni Daddy.
Bakit ganito sila?
"Dad, ginawa ni Alleah ang lahat.. Nag-aral siya ng mabuti tapos hindi niyo tutuparin yung deal? Ang unfair nun Mom Dad" Salubong ang mga kilay ko na may halong galit sakanila.
"Freya, im sorry but she really needs to have a relationship to the son of our partner in Business.. Ginagawa namin to for the sake of our family." Si Mom.
Nilapag ko ang iniinom ko at napasandal ng padabog sa sofa.
"Huh?"
"Anak."
"Why your doing this to us? Do you think matutuwa si Alleah sa desisyon niyo? Nakakasakal ang ganun Mom! Hindi niyo alam kung gaano masasaktan ang kapatid ko sa plano niyo!"
"Freya"
"Bakit? Hindi ba magiging maganda ang pamilya natin at kailangang gawin pa yun ni Alleah? For the sake of this family? Huh? For the sake? Or for the sake of your reputations?"
Tumayo ako at hinarap ang mga nakakunot nilang noo.
"You don't understand Freya, hindi namin to ginagawa para sa sarili namin kundi para maging maganda ang pamilya natin at ganun narin ang kompanya. Ano nalang ang sasabihin ng Lolo at Lola niyo kung makikita niyang hindi maganda ang makakatuluyan niyo!" Galit na sabi ni Mom.
"Paano kayo nakakasiguro Mom? Alam niyo ba ang future namin?"
"Freya don't talk like that to your Mom.. Simula bata palang kayo alam niyo na ang patakaran ng pamilyang toh.. Nasa dugo na natin ang pagiging negosyante at magkaroon ng asawang negosyante din!" singit naman ni Dad.
Pinagkrus ko ang dalawang kamay ko at huminga ng malalim.
"I don't understand you... I really don't understand... And I don't heard enough reasons para maintindihan kayo." Inis na sambit ko .
"Matutulog na ko.. " Paalam ko sakanila at saka tuluyan ng umakyat.
Hindi ba nila mahal si Alleah? Bakit pati siya kailangang makipagrelasyon? Nag-aral ng mabuti ang kapatid ko para maiwasan ang kinatatakutan niya. Katulad na lamang ng nangyari kay Ate Francine.
YOU ARE READING
Wrong To Right Path
JugendliteraturWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...