HER"Ladies and gentlemen, welcome to the Philippine Airlines, local time is 12 o'clock midnight and the temperature is 28 °. For your safety and comfort, please remain seated with your seatbelt fastened until the captain turns off the fasten seatbelt sign. This will indicate that we have parked at the gate and it is safe for you to move about. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you. On behalf of the United States of America Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening!"
After the announcement, I looked down on the window as our plane slowly land to the ground.
I closed my eyes and sighed heavily.
Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong umiyak sa saya at lungkot.
This is it. After 5 long years, I'm finally home.
Wala akong masyadong matanaw kundi ang mga ilaw mula sa paligid. It's 12 o'clock at midnight. I always prefer late night flights para less hassle and walang masyadong tao.
Huminga pa ako ulit ng malalim bago ko tuluyang tinanggal ang seatbelt ko at saka ako tumayo upang kuhanin ang bag ko sa overhead compartment.
Pinauna ko muna ang mga ibang pasahero bago ako lumabas para hindi ako makipagsiksikan.
The moment I got out of the plane, nalanghap ko agad ang simoy ng hangin.
Nasa Pilipinas na nga talaga ako.
Home.
HIM
Hatinggabi na ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Kanina pa ko pumipikit pero hindi talaga ako makatulog.
Minasahe ko ang aking sentido at saka huminga ng malalim.
Bumangon ako at nagtungo sa gym ko dito sa unit ko. Penthouse kasi yung style nito dahil dito na talaga ako nakatira sa loob ng resort ko.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan kung naka-ilang push ups na ako pero tagaktak na yung pawis ko.
Napaupo nalang ako at napasandal sa pader saka ko sinabunutan ang buhok ko.
Here it goes again.
No, Kiefer.
Tumayo ako at nagpunta sa C.R upang magshower. I guess hindi na talaga ako makakatulog nito.
Pagkatapos ko maligo, kumuha ako ng wine from my mini bar at tsaka nagsalin sa glass ko and then I made my way through my balcony.
I have the best view here in my resort dahil bukod sa ako yung nasa pinakaitaas ay iniharap ko talaga yung balcony ko sa tapat ng dagat.
Isa ito sa paborito kong lugar dito dahil dito ako madalas nagkakape sa umaga habang pinapanood ang sunrise at nagpapahangin. Langhap na langhap ko rin dito yung simoy ng hangin ng dagat at rinig na rinig ko tunog ng nagraragasang alon.
But you know, the best part of this is the sunset. Yun talaga yung pinakahinihintay ko sa araw araw. Pinapanood ko lang ito hanggang sa tuluyang lumubog yung araw.
Naging hobby ko na rin ito dahil dito ako madalas nakakapag-isip.
Ngayon naman, tanging malamig na hangin lang at ang buwan ang aking natatanaw. Rinig ko parin ang alon at may mangilan-ngilan akong nakikitang foreigners na nasa tabi parin ng dagat ngayon habang nagb-bonfire at nag-iinuman.
May music din akong naririnig na paniguradong mula sa bar pero medyo malayo naman dito.
What I also love about being here is that this place never sleeps. Dito ko nararanasan yung endless summer nights and I always feel like I'm having a vacation whenever I'm here.
Kahit papaano ang saya lang sa pakiramdam.
Siguro ito nga talaga yung para saakin. Dito ko mas minahal at naramdaman ang tahimik na buhay dahil simula bata pa lang ako ay palagi na akong nasa spotlight dahil sa pagbabasketball ko dati.
Inaamin ko, nakakapanibago, pero masarap kasi nagagawa ko lahat ng hindi ako nahuhusgahan o kahit ano man.
Sumandal ako sa railings ng balcony ko at inalog ng kaunti yung glass ko upang mahalo ang wine tsaka ko ito ininom.
Eto yung mga oras na naiisip ko sila, eto yung oras na naiisip ko siya, yung dati kong buhay.
"I-I miss you," I murmured.
Nagulat nalang din ako at nasabi ko yun.
Hindi ko alam kung para kanino yun.
Para ba 'to sa dating ako?
O para sakanya?
***