HER"ALYSSA MARIE!!!!!" napairap ako kay Ella habang papalapit ako sakanila. Nagpresinta kasi sila nila Denden at Amy na sunduin ako ngayon.
Hindi kasi pwede sila Inay at Itay ngayon dahil sinasamahan nila si Kuya Nicko at Ate Rad na nasa hospital dahil ngayon na ang due date nito sa panganganak ng pangatlo nilang anak.
Si Kian naman nasa China dahil doon sila nagt-training ngayon ng Ateneo Blue Eagles para sa upcoming season nila sa UAAP.
Si Kuya Paolo naman, nasa Canada kasama si Ate Lea, yung wife niya at yung twins nila na sina Angelo at Angela.
Agad akong niyakap ng mahigpit nila Ella, Den, at Amy nang makalapit ako sakanila. Niyakap ko din ang mga ito ng mahigpit pabalik.
Hindi ko na rin napigilan ang luha ko sa pagtulo, sobrang namiss ko talaga ang mga ito.
Napakarami nang nagbago simula nung huling beses akong maparito.
Papasok na ako ng immigration kaya isa isa na akong nagpapaalam sakanila.
Una kong nilapitan sina Inay at Itay. "Nay, Tay, aalis po muna ako ha. Mag-iingat po kayo dito palagi. Nay, magpahinga po, okay? Ikaw naman Tay, yung mga gamot mo, wag kakalimutan inumin." bilin ko sakanila at niyakap.
"Oo naman, ineng. Takot lang namin sa'yo. Ikaw din, mag-iingat ka. Isang taon din 'yun, wag na wag mo pababayaan ang sarili mo. Mahal na mahal ka namin at proud na proud kami sa'yo." sabi ni Itay at hinalikan ako sa ulo.
Nilapitan ko naman si Kian na ngi-ngiti ngiti lang saakin. "Mag-iingat ka, ate kong maganda hehe. Mga pasalubong ko ha!" sabi niya at saka yumakap sakin.
Piningot ko naman ng marahan ang tenga niya. "Hoy, Kian! Sila nanay at tatay, alagaan mo ng mabuti! Tsaka yung pag-aaral ha. Alam mo naman na 'yun. Umayos ka lang dito at ako na bahala sa mga pasalubong mo." sabi ko sakanya.
"Opo, ate." sabi niya at humalik na rin sa pisngi ko.
Sunod kong pinuntahan ang Team Besh, tapos sila Tita Mozzy and Tito Bong.
And last but definitely not the least, si Kiefer.
I approached him and as soon as I got near, niyakap niya agad ako ng mahigpit and he buried his face to my neck. "Baby ko, you know it already, take care of yourself while I'm away. I love you." sabi ko sakaniya.
"I hate you." sabi niya sakin habang nakabaon parin yung mukha niya sa leeg ko. Natawa naman ako dun.
After that, inangat niya na ang ulo niya and at tinitigan ako straight into my eyes. "I love you. Mahal na mahal kita. Please mag-iingat ka palagi. I'll miss you so much. Ngayon palang, senpax na ko sa'yo babe." sabi niya at natawa naman ako dun.
I kissed his lips and caressed his hair while my arms are clinging into his neck.
Habang papaakyat ang eroplanong sinasakyan ko sa himpapawid, nakadungaw lang ako sa bintana at napahinga ng malalim.
One year, Alyssa.
Pinili kong ipikit na lamang ang aking mga mata at umidlip nang biglang lapitan ako ng isang flight attendant.