Chapter 5

859 37 11
                                    

HIM

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!" I woke up by hearing two familiar voices singing a happy birthday song.

When I opened my eyes, it was Clara and Claire holding a cake and a tray of breakfast.

I smiled.

"Happy Biwthday, Dawwy!" Claire said while crawling on my bed to approach me.

Kinuha ko naman siya agad at niyakap. "Thank you, baby." I told her.

"Kiss?" she asked me and then I nodded happily.

Hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan ko din siya sa noo.

"Happy Birthday, Isaac." sabi ni Clara.

I looked at her smiling while she's smiling at me. Sinenyasan ko siya na lumapit saamin ni Claire and so she did.

I hugged the both of them.

I helped her fix the breakfast in bed that they made and we had a great one together.

"Thank you, Clara." I sincerely said habang kumakain kami.

"You're welcome, Isaac. You can have this everyday, you know." sabi niya sakin.

And I knew what she's talking about.

It's been five years, siguro sapat na ito para malaman ko kung ano talaga yung para saakin.

I know that she's happy now wherever she is.

And it's time for me to be happy too.

I guess.

HER

"WELCOME HOME, ALY!!!" sabay sabay nilang sigaw. Napatakip ako ng bibig sa sobrang hindi ko mapigilan ang nagwawalang emotions ko.

Mabilis silang naglapitan saakin at saka kami nag-grouphug.

"OH MY GAHD, I MISSED YOU GUYS!" sabi ko habang yakap yakap sila.

"WE MISSED YOU TOO." sabi nila. Nasa kalagitnaan ulit kami ng yakapan ng may marinig kaming nahulog na kubyertos.

Napatingin kami doon at nakita si Ella na nahulog yung fork niya habang may dalang plato at kumukuha ng lechon.

"ELLAAA!!!" sigaw namin sakanya.

"O ano??? 'Di ko na talaga kaya guys, pagbigyan niyo na! Para naman 'to sa inaanak niyo!" sabi niya at natawa kami.

Kaunting batian pa ang naganap at nagsipuntahan na kami sa dining at sabay sabay na kumain.

"Aly! Magkwento ka naman! How has it been for the past five years?" tanong ni Lau.

"Uh, same old, guys. Kilala niyo naman ako, work, training, tapos condo." sabi ko sakanila.

"KASINUNGALINGAN!" maktol ni Jovito.

"Yeah! You might want to tell us who Terrence Romeo is?" singit din ni Kiwi.

"He's a friend," sabi ko.

Sabay sabay naman silang nagmake face na halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Totoo nga!" sabi ko naman sakanila.

"O sige, sabihin na nga nating he's a friend, pero nililigawan ka ba niya?" hotseat sakin ni LA na ginaya pa yung pagsasalita ko sa he's a friend. Mag-asawang 'to talaga, sila ni Den, pasimuno! Jusko.

TequilaWhere stories live. Discover now