Chapter 15

833 33 4
                                    


HER

Nandito ako sa office ko ngayon habang nagco-compose ng email na isesend ko kay Kiefer.

Sobrang nakafocus ako dahil sinisigurado ko na ang bawat salita na sasabihin ko ay tama.

Hindi ko rin naman isesend 'to gamit ang personal email ko. I used the email of the hospital I'm working for since this is for a patient and I can also access it dahil sa mataas kong posisyon.

I'm one of the Board of Directors in the hospital so I can access almost everything. Napromote ako dahil sa performance na pinakita ko since I got here.

Kilala rin ako sa tawag na 'miracle doctor' dahil sa mga pasyenteng may malalang sakit na nagamot ko. I gave a lot of honor in this hospital dahil ilang beses kaming nafeature sa iba't ibang news and social media, but of course I remained anonymous.

I never answered any interviews or anything related for the public, mostly mga doctors na nasa team ko ang pinapasagot ko ng mga ito pero hindi ako.

Ilang oras din ng matinding pag-iisip ang ginawa ko para dito at halos hapon na ng matapos ako.

I actually skipped lunch pero hindi pa naman ako nagugutom. I'm planning to go out early tonight so that I could bring Andi to a date.

It's been a while since we last bonded together at kahit alam ko na she's already used to it and she understands me, I should give my baby a reward for being a good daughter.

Andi never gave me a hard time on taking care of her, even when she was younger, she's never the one to cry.

She's always a happy baby and she's very intelligent talaga. That's why after everything that has happened to me in the past, I'll always be grateful for it because if not because of him I won't have my Andi.

Ilang days nalang operation na ni Nico. And until now, hindi parin nagrereply si Kiefer sa email ko. Well, he doesn't really know na saakin galing yun. I used the hospital's account since I have an access naman.

12 hours before Nico's operation, pineprepare na lahat, the operation room and lahat ng equipments na gagamitin, including the recovery room that we personally designed pa for him.

I'm here now inside the chapel, I'm praying for Nico. We've been waiting for this for a very long time na pero habang mas papalapit ng papalapit ay 'tila nais ko nalang tumigil ang oras o kaya'y manatili sa mga panahong hindi pa ito ang inaalala namin.

As what I've said before, Nico's case is very rare. Katumbas nito ang maliit na porsiento na makakaligtas siya sa gagawing operasyon.

And I don't wanna lose him.

Nico's like my son already. If I have Andi as my baby girl, Nico is my baby boy naman.

Sobrang napalapit na ako sa batang ito dahil bago palang ako dito sa hospital ay siya na agad ang inalagaan ko hanggang ngayon.

Ilang minuto pa akong nanatiling nakaluhod at nakatungo bago ko naisipan na bumalik sa opisina.

I did the sign of the cross and left the chapel.

May ilang nurse akong nakasalubong at di ko maiwasan na magtanong kung maayos na ba ang lahat para kay Nico.

Oo, doctor ako at may tiwala ako sa amin pero iba talaga kapag isang taong minamahal mo ang gagawan mo nito.

It's more than a pressure, dito ka makakaramdam ng takot, ng kaba, halo halong hindi magagandang emosyon dahil sa matinding kagustuhan mong mas mailigtas sila.

Umidlip muna ako para makapaghanda rin para bukas dahil may kwarto rin naman ako dito sa opisina ko.

I woke up feeling soft kisses on my face and I smell something very familiar.

I slowly opened my eyes and I saw Kiefer smiling while showering me small soft kisses.

"Wake up, babe." he said.

Automatic na napangiti ako at sinagot ang halik niya sa labi ko.

"Sarap naman," I said while hugging him. His face buried on my neck.

"I cooked breakfast." proud niyang sabi.

Natawa naman ako. "Wow, anong nakain mo today?" asar ko sakanya.

Imbes na mapikon, umupo lang siya at tinignan ako na nakakagat labi at saka nagpapogi at nagflex.

"Ako pa ba?" sabi niya at tawang tawa naman kaming dalawa.

"I feel so tired," I told him out of nowhere. I don't know what's with me or bakit ko nasabi yun pero parang ang bigat kasi ng pakiramdam ko ngayon.

Instead of worrying about me, he gave me a smile. The smile that lights up my whole world in just a second.

His smile looks so familiar. I mean, I know palagi kong nakikita yang ngiti niya pero parang may naalala ako sa mga ngiti at mukha niya?

"I know you can do it, mahal." sabi niya.

Naramdaman kong namula ako and I suddenly felt warm all over. Kung kanina halos parang ayaw ko na na hindi ko maintindihan, ngayon naman ay 'tila nais ko na agad simulan ang araw.

"I love you," I told him.

He interwined our fingers and he kissed me in my forehead.

"I love you. Wait for me," sabi niya at naramdaman ko siyang tumayo. Napapikit ang mata ko dahil sa halik niya at pagdilat ko'y wala na siya.

I waited for him but it felt like forever hanggang sa napatulala nalang ako.

Biglang dumilat ang mata ko at nagising ako sa kwarto ko dito sa hospital.

Here we go again with those dreams.

Am I missing him?

No. Please, no.

Siguro namimiss ko lang yung presence niya kasi nasanay ako na sa moments na ganito kabigat ang pakiramdam ko ay nandyan siya palagi para pakalmahin ako at pagaanin ang nararamdaman ko.

Let go of those things, Alyssa.

Naisip ko na tawagan na lang si Andi sa condo at kamustahin.

"Mommy," pupungas pungas niyang bati sa phone. Nagv-video call kami with the help of her yaya.

"Hi baby," I said and smiled at her.

'Tila naiiyak naman siya nang makita ako.

"Miss you," sabi niya at tinitikom ang labi para di umiyak.

"I miss you more, baby. I promise to go home soon," I said.

Kalahating oras din kaming magkausap ni Andi at nililibang ko siya pero kakain na kasi siya ng breakfast at maliligo kaya nagpaalam na din ako.

Nang ibababa na ang tawag ay doon na umiyak si Andi at parang kumirot naman doon ang puso ko.

Naalala ko yung ngiti ni Kiefer sa panaginip ko nung nakita ko si Andi kanina.

Sakanya pala yung pamilyar na ngiti at mukha na nakita ko.

I shrugged off all my thoughts about him at nag-ayos na para sa operation ngayong umaga.

Sobrang busy ako na icheck lahat lahat ng kakailanganin for the last minute nang tawagin ng nurse ang atensyon ko.

"Doc, someone's waiting outside," sabi nito at nagtaka naman ako.

"Who?" I asked her.

"I don't know but he wants to see Nico,"

"He?" parang nabingi ako sa sinabi nito.

Oh shit.

Could this be...

***

TequilaWhere stories live. Discover now