HERIlang linggo na ang nakalipas simula ng araw na 'yon.
At inaamin ko na namimiss ko din si Kiefer.
Hinding hindi ko makakalimutan yung naramdaman ko nung niyakap niya ako. Ibang iba talaga sa lahat.
Kay Kiefer ko lang nararamdaman yung ganoong warmth, security and comfort pag niyayakap ako.
At pagod na ako magsinungaling sa sarili ko na hindi ko yun gusto, sa tagal namin nagkahiwalay, sa dami ng mga napagdaanan namin, magkasama o magkahiwalay, siya lang talaga ang hahanap-hanapin ko at the end of the day.
Gusto ko siya kamustahin, puntahan, pero hindi ko alam kung paano—kung saan ako magsisimula dahil panigurado nasaktan ko nanaman siya nung huling beses na nagkita kami.
I want to make it up to him.
Nakahiga ako ngayon sa bed at patulog na, kanina pa ko nakatitig sa phone ko dahil imemessage ko dapat siya at sa tagal ko mag-isip hindi ko namalayan na past 12 midnight na pala.
Siguro tulog na yun. Bukas na kaya?
Pero gusto ko talaga isend ngayon, ayaw ko na maghintay pa.
Miss na miss mo lang eh.
Fine.
Hindi na ako nagdalawang isip at nagtype na.
"Kiefer? Can we talk?" nakalagay sa phone ko.
Pumikit lang ako saglit at tsaka ko pinindot ang send. Bahala na.
Pero bakit nahiya ako bigla. Baka busy.
"But if you're busy, okay lang naman sakin. Kung kailan ka nalang pwede," sunod ko na sinend.
Tinitigan ko ito ng ilang minuto pa at 'di naman ako umaasang makikita niya 'to ngayon. Tulog yun for sure.
Saktong ibinaba ko na ang phone ko at tinry matulog nang bigla itong magring kaya napabalikwas ako.
Kiefer Ravena calling...
Pumikit ako saglit at tsaka dumilat ulit dahil baka namamalikmata lang ako pero nagriring padin at pangalan niya padin ang nakalagay.
Gusto kong sagutin pero nanginginig ang kamay ko at bigla akong kinabahan at nahiya.
Hindi ko alam ano sasabihin ko sakanya.
"H-Hello?" kinakabahan kong bungad.
"Hi," SHIT HIS BEDROOM VOICE. OH MY GOD.
"K-Kiefer, napatawag ka?" I asked. Ano ba Alyssa umayos ka nga.
"I thought you want to talk?" he said over the phone. NGAYON BA TALAGA???
"Uhm, yeah. Whenever you're free, alam ko busy ka." sabi ko.
"But I want it now," sabi niya pa. If I know, nakangisi to ngayon. Yung tono palang eh. Nang-aasar ata.
"Ngayon talaga?" I asked.
"Yes. I'll come over, send me your address." sabi niya pa at mas lalo na talaga akong nawindang.
"Uy, Kiefer, y-you don't need to naman. It's late na and—" WHAT AM I THINKING.
"Alyssa, it's okay. Besides, gusto din naman kitang makita." sabi niya pa.
ALYSSA CAYMO VALDEZ HINDI KA KINIKILIG.
"Ha? Okay, send ko nalang sayo." sabi ko. WHAT THE FREAK.
"Haha, okay. See you." sabi niya pa.
I sent him my address at saka ako kumuha ng unan para isubsob sa mukha ko at doon tumili.
FOR PETE'S SAKE ALYSSA UMAYOS KA NGA.
Nag-ayos na ako agad and di ko alam kung dito ba kami sa place ko mag-uusap or hindi.
Nagjeans nalang ako tsaka white shirt tapos nilugay ko ang buhok ko.
After 30 minutes may nagdoorbell na sa pinto ko. Baka si Kiefer na to.
Ang bilis naman ata niya?
Huminga muna akong malalim before I did na buksan ang pinto.
"Hey," sabi ni Kiefer pagkakita niya sakin.
SHIT ANG POGI.
Natulala ako saglit at naramdaman ko na bumeso siya, wait hindi nga ata beso yun eh. Nafeel ko yung lips niya sa cheeks ko.
"K-Kiefer," I said.
"I missed you." sabi niya na halos pabulong habang ang lapit lapit ng mukha namin kaya napaatras ako ng konti.
Mas lumapit pa siya lalo at nakapasok na kami sa loob naramdaman ko nalang na sinara niya ang pinto at nilock habang yung isang kamay niya nasa bewang ko na.
Napapikit nalang ako and I felt his lips on mine.
Automatic naman yung kamay ko na pumulupot sa leeg niya.
—
Belated Merry Christmas! I missed you all hehe ❤️