Chapter One

342 31 81
                                    

(School Festival)

Papalubog na ang araw at malapit ng gumabi, ngunit ang lahat ng estudyante ng Artemis Academy ay abala pa rin sa kani-kanilang ginagawa. Abala ang lahat para sa gaganaping Sakura Festival bukas. Sa malawak na school ground ay nagkalat ang iba't-ibang materyales na gagamitin para sa booth ng bawat section. Lahat gumagalaw at lahat ay masasaya sa kanilang ginagawa. Makikita ang isang estudyante na nakasuot ng arm badge na paikot-ikot at nagmamasid sa paligid. Animo may hinahanap. Seryoso ang mukha nito at kung bago ka lang ay hindi mo tatangkaing lapitan ni ang kausapin ito dahil sa mataray na bukas ng mukha. Ngunit ang bawat estudyanteng madaanan nito ay nagbibigay galang sa kanya na sinusuklian niya naman ng isang tango.

"President!" napalingon ang babaeng may asul na mga mata at dark blue na buhok. Nakaponytail ito at bahagyang hinahangin ng hanging pang hapon. Isang humahangos na babae na kapareha niya ay nakasuot ng arm badge ang nalingunan niya. Naka braid sa isang side ang chocolate brown nitong buhok, ang mga mata nitong kulay caramel ay punong-puno ng sigla at parang walang mababanaag na kapaguran sa maghapong pagparoo't-parito.

"How many times do I have to tell you Gwendyline Merocu, no running in the hall. Vice President ka pa naman!" nakapamewang na saad ng babaeng walang iba kundi ang School Council President ng AA.

"Sorry naman Pres-"

"And it's Sichierie, Gwen. Drop the pormality," putol nito sa nagsasalitang dalaga. Napakamot naman sa batok ang babae at napangiti.

"Fine, Sichie..." napapabuntong hiningang sabi ni Gwen.

"Oh, anong sasabihin mo at kinailangan mo pa akong habulin?" untag nito kapag kuwan.

"Ah-right! Err.. umm, kailangan ka nga palang kausapin ni Matthew." Sabi nitong bumalik ang pagkataranta. Tumaas ang kilay ni Sichirie.

"Si Matthew? Iyong President ng Collage Departement ba ang tinutukoy mo?" paniniguro nito. Tumango naman kaagad si Gwen.

"Oo, actually nandun sila ngayon sa Student Council Office, naghihintay sa iyo."

"Bakit daw?" kunot-noong tanong ng dalaga na nag-umpisang humakbang papasok sa High school Building.

"It's about the Festival I guess," nakasunod na sagot ni Gwen na may kinuha sa bulsa. Papaliko siya sa pinto ng entrance. Dahil hindi nakatingin ay nagulat na lang ito ng may mabangga. Kasabay ng pagbagsak ng pang-upo niya ang pagbagsak ng kung anong bagay.

"Aww!" sabay nilang daing ng nakabanggaan niya. Isang babaeng may suot na salamin na wala namang grado ang nabungaran ni Gwen. Hindi maipinta ang mukha nito na tila may idinadaing.

"Sorry! Hindi kasi ako nakatingin, are you oky?" sunod-sunod na tanong niya sa babaeng may itim na itim na buhok na umabot hanggang bewang. Pati mata nito ay itim na itim rin. Hawak nito ang kanang kamay.

"S-sorry rin, hindi kita napansin. Ang dami ko kasing dala e," sagot nito na ngumiti. Ng lingunin ni Gwen ang paligid ay nakita niya ang nagkalat na kahon na naglalaman nang iba't-ibang props.

"Your wrist, let me see it.." biglang sabi ni Sichirei na nasa likuran ng babaeng nagulat. Napangiwi ang babae ng hawakan ni Sichirie ang kanang wrist nito na agad namaga. Mukhang na-sprain ito dahil sa pagkakatukod kaninang matumba ito.

"Sorry!" hinging paumanhin ulit ni Gwen. Umiling lang ito at ngumiti.

"No it's okay. Pupunta na lang ako sa Clinic para maipatingin sa school nurse."

"Sasamahan na kita, I mean kung okay lang kay President," sabay tingin nito kay Sichirei na bumuntong hininga at tumango.

"Ofcourse it's okay. Go take her there. Ako ng bahala kay Matthew." Pagkuwa'y ngumiti ito na naging dahilan para lumabas ang gandang taglay. Na madalas na hindi makita kapag seryoso ang mukha.

The HunTame (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon