Chapter Three

117 22 39
                                    

Vice-President

Hindi magkandaugaga si Autumn sa pag-aayos ng mga bulaklak sa stage ng Theatre area kung saan magaganap ang Play ng High School. Bawat year kasi ay may binunot na section para sa isang play. Ang Drama Club ang finale of the show.

Totoong Botany ang Club ni Autumn pero nag-aaral rin siya ng Floristry, katunayan nagbabalak siyang magtayo ng sariling flower shop pag-nakaipon ng pera.

"Autumn!" mula sa pag-aayos ng Tulips at Carnation ay nag-angat siya ng ulo para makita kung sino ang tumawag sa kanya.

Isang pawisan at hinihingal na Raemilla ang bumungad sa kanya. Tila ito nakakita ng multo sa ayos at itsura. Tagaktak kasi ang pawis nito mula noo pababa habang nanginginig pa ang mga kamay na nakahawak sa DSLR nito.

Napatayo si Autumn at agad na nilapitan ang kaibigan.

"Senpai? Anong nangyari sa iyo, bakit ganyan ang itsura mo?" sunod-sunod niyang tanong ng makalapit sa dalaga. Naghagilap rin siya ng panyo na maaaring ipahiram rito pamunas ng pawis.

"Autumn--"

"Breath Senior Milla," mahinahong utos niya rito. Base sa reaksyon nito ay hindi pa nag-sisink in sa utak nito ang ginamit niyang approach. You see, kahit junior si Autumn at Senior si Raemilla ay talagang magkaibigan ang dalawa. Ayaw na ayaw ni Raemilla na tinatawag siyang Senior o Senpai ni Autumn. Parang kapatid na rin kasi ang turing nito dito.

Huminga ng malalim si Raemilla at ipinikit ang mata. "Pasensya ka na Senior wala na akong tubig rito e. Naubos ko na, e... mukhang kailangan mong uminom ng tubig para kumalma ka." napapangiwing sabi ng dalaga.

Umiling lang si Raemilla na unti-unti na rin namang kumakalma.

"O-okay lang, ayos na ako.." sabi nito kapagkuwan.

Tinitigan niya ito sumandali at saka inakay na maupo. Bahagya siyang napakunot ng noo ng maramdaman ang panlalamig nito. 'Ano kayang nangyari kay Senior Raemilla at ganito kalamig ang palad niya? Hindi kaya--'

"Naniniwala na ako sa iyo Autumn," naputol ang pag-iisip niya ng magsalita ang dalaga.

"Ha? Naniniwala saan?" takang tanong niya. Nakayuko lang si Raemilla at nakapatong ang dalawang kamay sa hita nito na nakakuyom.

"Na nakakita ka ng golden butterfly noong isang araw," mahina ang boses nito ng sabihin iyon. Natigilan si Autumn.

Kung ganun, talaga ngang pinagdudahan siya nito patungkol sa gintong paro-paro noong isang araw. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka sumandal sa mesa.

"Alam ko namang hindi mo ako pinaniwalaan noong una Senior e, lalo na't pagdating mo ron ay wala na ang paro-paro," saka bumuntong hininga ulit. "Pero wala na sa akin iyon. Para saan ang kasabihang To see is to believe kung paniniwalaan mo nakaagad ang isang bagay na hindi mo pa nakikita. Para maniwala ka kailangan mo ng proweba, at sa posisyon ko mukhang ako lang ang nakakita noon." mahabang paliwanag niya.

"Hindi, nagkakamali ka," umiiling na sabi ni Raemilla.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Senior?" narinig ni Autumn ang pagbuntong hininga nito. Saka tumuwid ng upo at tumingin sa kanya.

"Hindi lang ikaw ang nakakita ng sinasabi mong paro-paro Autumn..." diretso ang tingin na sagot niya sa dalagang napatda. Napaawang ang mga labi nito at bahagyang nanlaki ang mata.

"H-ha?"

"Oo, tama ang narinig mo. Ang totoo hindi rin ako makapaniwala sa narinig ko kay Hannah noong una,"

"Iyong Club President niyo?"

"Oo, tinawagan niya ako kanina noong nasa Sophomor's building ako. At inutusan niya akong puntahan si Ms. Cambrielle Lue para sa isang interview about sa golden butterfly na ayon sa dito ay nakita niya rin kasama si Gwen rin."

The HunTame (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon