Chapter Two

150 22 35
                                        

(Warning)

Abala na ang lahat sa pag-aasikaso ng kanya-kanyang booth. Dahil sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang araw ng School Festival. Tila nakisama naman ang panahon dahil sa maaliwalas na kalangitan. Tanda na mamaya lang tirik na ang araw.

Sa main Quadrangle kung saan kasya ang lahat ng estudyante ng AA, HS man o ang Collage Department, makikita ang lahat na nagkakatipon. Nahahati sa dalawang hanay ang mga estudyante na nakapila ayon sa year at section.

Sa kanan makikita ang High School at sa kaliwa naman makikita ang Collage. Nakapila sila para sa flag ceremony at announcement ng SCP o Student Council President. Hindi mapakali ang ilan sa mga kababaihan ng High School dahil sa attire ng Collage Department. Animo mga giraffe na nanghahaba ang mga leeg ng mga ito sa kasisilip, nagkakatulakan pa nga kung minsan. Napakagulo tuloy ng pila.Naka suot kasi ang Collage Students ng Royal attire at nakamaskara lahat.

Naka pang prinsipe ang mga lalaki at naka gown naman ang mga babae.

"Kyah! Ang gugwapo talaga ng mga Collage boys ng AA!" tili ng ilang kababaihang animo ginagapangan ng langgam sa kilig.

"Woah! Pamatay ang ganda ng mga girls! Ang sisexy!" palatak naman ng High School boys. At nagsabay-sabay na ang ingay. Nagmukha tuloy beehive ang High School dahil sa kanya-kanyang bulungan.

Mula sa kinatatayuang entablado ay rinig at tanaw ni Sichirei ang mga nangyayari. Napasapo na lang siya sa noo at napailing.

"O anong nangyari sa iyo?" napa angat ang tingin ni Sichirei sa nagsalita. Standing in front of her is none other that her friend and Vice-President. Wearing their uniform with the badge in her right arm. Naka braid na naman ang buhok nito sa side.

Artemis Academy has a white and gray color school uniform and a different color tie, indicating your year. Every section has a unique small pin na nakalagay sa collar ng uniform para mas mabilis ma-identify ang isang estudyante.

Gray ang coat ng High School na may School Logo sa left side ng chest. At white ang nasa loob. Above the knee ang haba ng palda na kulay gray na may white lining sa baba sa mga babae. Habang White naman ang pants ng mga lalaki.

Freshmen's tie is color silver, while Sophomor's tie is color maroon. Junior's tie is color brown, and black for the Seniors. Student Council's uniform is black and white, while their tie is a mixed color of black and white.

"I don't really get it Gwen," heaving a sigh Sichie said.

"Don't really get what?" nagtatakang tanong ni Gwen na napakunot noo pa.

Napapagod na itinuro ni Sichie ang Collage students na nag-eenjoy sa atensyong ibinibigay ng HS. Sinundan ni Gwen ng tingin ang itinuturo niya, napa 'O' na lang ito kapag kuwan.

"Bakit ba kasi kailangang mag attire sila ng ganyan?" bahagyang inis na sabi ni Sichie.

"To add some fun?"

"Where's the fun in that? Mamaya lang paniguradong tatagaktak ang pawis ng mga iyan at maghuhulasan ang make-up ng mga babae sa tindi ng sikat ng araw!"

"O easy Sichie, HB ka na naman wala pa ang araw." napapangiting biro ni Gwen. Isang irap lang ang isinagot  ng kaibigan sa kanya.

"And where is Matt? He's suppose to be here by now. Hindi ko naman alam ang mechanics ng pakulo nila e, paano ko ipapaliwanag ito?" napatitig na lang si Gwen kay Sichie na tila may problema.

"Don't worry he'll be here in a--"

"I'm here, sorry I'm late!" putol ng isang tinig sa nagsasalitang dalaga. Sabay silang napalingon sa nagsalita. Habol pa ang paghinga ni Matthew na kagaya ng ibang Collage ay naka Royal attire rin. Ngunit hindi nakamaskara ng buo. Bibig lang ang kita sa binata.

The HunTame (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon