Chapter Six

46 8 2
                                    

(String Connection)

"What are you all doing in here?" sa kabila ng naguguluhang isipan at kagustuhang makahanap ng kasagutan sa mga nangyayari, iyon kaagad ang mga katagang namutawi sa bibig ni Sichirei ng ibuka niya ang mga ito. Isa-isa niyang tiningnan ang lahat ng mga nasa loob na hindi kaagad sumagot.

"Nayumi, you're supposed to be in the Track and field contest diba? Bakit nandito ka pa?" kunot noong tanong niya sa napatayong si Nayumi na tila nakalimutan na ang games na ginaganap na ng mga sandaling iyon.

"And you Autumn, what happen to you? Raemilla, diba dapat umiikot ka sa buong school ngayon, taking pictures for the Newspaper Club?" Ibinaling niya ang paningin kay Lime at Ruevinah na hindi kumikibo at nakamasid lang sa kanila.

"What about you Empress?" napaigtad si Empress ng sitahin siya ng dalaga. Ang totoo, gusto na lang kalimutan ni Sichirei ang mga nangyari. Alam niyang magtatanong at magtatanong sina Nayumi at Empress, pero hindi niya alam kung ano ang isasagot.

"Pres? Have you forgotten what happen a while ago?" tanong ng nakakunot noong si Nayumi.

"Yeah, and don't lie to us, dahil pareho kaming nandoon ni-- ahh..." napatigil ang dalaga na hindi malaman kung ano ang itatawag kay Nayumi. Tinapunan siya ng naghahamong tingin ng dalaga.

"What?"

"Ah.. ah basta, kasama mo kami when that wierd and slimy things attacked me," kinilabutan si Empress pagkaalala ng nangyari kanina.

"Anong nangyari kanina? Saan? Anong tinutukoy niyo?" naguguluhang tanong ni Ruevinah na tiningnan ng isang nagtatanong na tingin ang lahat ng nasa silid, hoping na may sumagot sa kanya. But, unfortunately no one dared to answer her.

"Whatever happens is just our imagination, Nayumi, Empress. Don't think about it anymore. Now, we still have a Festival to attend to. Bumalik na kayo sa mga Clubs niyo." pinal ang salita ni Sichirei na tinitigan ng matiim sina Nayumi at Empress. Agad namang nakuha ni Nayumi ang ibig iparating ng mga tingin ng dalaga, pero sa kasamaang palad, hindi si Empress na kaagad namewang at nagtaray.

"What? You mean to say I should make limot na lang about what that ewwy monster did to me?!" sa sinabi niya ay napatitig na lang lahat sa kanya. Napanganga na lang si Sichie habang natampal na lang ni Nayumi ang noo.

"Stupid conyo girl!" anas nito sa sarili.

"O-M-G! I am so not gonna do it! It's so scary and kadiri! Hanggang ngayon parang nakadikit pa rin siya sa skin ko! Eeww! Kakatrauma ha? Tapos its so easy for you to tell me to forget about it na lang? Hah! I am so sorry Press but its a big no no sa akin! As in N-O! NO!" hindi na maipinta ang mukha ni Empress ng matapos sa pagsasalita.

Nabalot ng katahimikan ang buong Infirmary. Sa isip ni Cambrielle, she should do anything now. Pero hindi niya alam ang sasabihin. Dahil honestly ay nashock siya na may na-encounter na ganun sina Empress. Thinking na may similarity ang nangyari sa kanila kanina sa TR. The only difference is ayon na nga rin kay Empress halimaw na linta ang sumugod sa kanila, habang sa kanila naman ay wood monster. Iyon ang gustong itawag ni Cambrielle dahil sa itsura ng halimaw kanina, tapos humahaba pa ang katawan. Pero ang inakala ni Cambrielle na sila lang ang nakaranas, ay naranasan rin pala ni Nayumi na mukhang hindi na nakapagpigil.

"Would you stop acting as if you were just the only one na inatake ng halimaw!" di na napigilan ni Nayumi ang sarili, ngayon naman siya na ang nainis. Bagama't kunot ang noo ng dalaga ay mababakas ang takot sa mga mata nito na bumalik ng maalala ang nangyari sa kanya sa locker.

"Mas malala pa nga ako sa iyo dahil hindi lang ang Leech monster na iyon ang naencounter ko! To think na I was so closed to death back in the locker room!" napaupo itong muli sa kamang kinahihigaan ni Autumn na napahigpit ang kapit sa kumot ng kama. Nasapo ni Nayumi ang ulo sa frustration. Ibinuka ni Autumn ang bibig para magsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The HunTame (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon