Chapter Five

78 10 16
                                    

(Confusion)

Tahimik lang na nakatitig si Cambrielle sa nag-iisang estudyanteng nakahiga sa kama ng Infirmary. So far wala pa namang nadadala doon na estudyanteng injured or na heat stroke, ibig sabihin effective ang ipinakalat na Medics sa buong Campus para sa buong linggo ng Festival. Habang sa labas ay maririnig ang ingay na nagmumula sa mga nagkakasayahang estudyante, abala naman sa pag-iisip ang dalaga sa mga nangyayari sa loob ng eskwelahan.

'Hindi kaya, naghahallucinate lang ako?" Sa isip ay sabi niya. Pilit niyang kinukumbinsi na ang nakita nila kanina sa Theatre Room ay isang halusinasyon o kaya naman ay rehearsal ng DC para sa gagawin nilang presentation.

'E pero hindi e? Hindi lang ako ang nakakita...at saka masyado namang realistic iyon,' napasapo na lang sa ulo ang dalaga sa kawalan ng maidadahilan sa sarili. 'Whatever, ang mahalaga hindi lang ako ang nakakita...' Isang buntong hininga pa ang pinakawalan niya bago nilingon si Autumn, muntik pa siyang mapasigaw sa gulat ng makitang dilat na dilat ito at nakatitig sa pinto. Kunot noong sinundan niya ng tingin ang tinititigan nito.

"Rae, andiyan ka na pala? Bakit hindi ka man lang nagsasalita?" takang tanong nito sa dalagang nakatayo lang sa pintuan. Ito pala ang pinakatititigan ni Autumn. Ibinalik niya ang tingin kay Autumn na ngayon ay kakikitaan na ng pagkalito at pagkatakot. Namuo ang luha nito sa mata saka napaurong na para bang takot na takot.

"Se-senior..." nanginginig ang boses ni Autumn na hinawakan siya sa braso ng pumihit siya palapit dito. "Huwag kang lalapit sa kanya! Baka.... baka saktan ka rin niya--worse baka patayin ka rin niya kagaya ng ginawa niya kay Milla!" bakas ang takot at hysterical na sabi ni Autumn. Napaawang na lang ang labi ni Cambriell na naunawaan na ang sitwasyon ng dalaga. Nilingon niya si Raemilla na bakas sa mukha ang pagkalito sa inaasal ng kaibigan nito. Sabagay, siya nga pala ang ginaya ng halimaw kanina sa Theatre, kaya malamang ang nasa isip ni Autumn ay baka isa na namang halimaw ang kaharap niya.

"W-wha--ha?" hindi halos makabuo ng sasabihin si Raemilla at tinangkang lapitan si Autumn pero napasigaw ito kaya nanatili muna siya sa kinatatayuan, habang binigyan niya ng isang 'please-tell-me-what-is-happening-here' look si Cambrielle. "Ano bang sinasabi mo Autumn? Ako ito, si Raemilla? Bakit ko naman sasaktan si Cambrielle, at saka hello? Buhay na buhay ako! Anong sinasabi mong papatayin--" kunot noong paliwanag niya sana pero pinutol siya ng dalagang umiiyak na.

"No! Sino ka ba? Bakit mo ginagaya ang kaibigan ko? Doppleganger ka ba ha?" umiiyak ng sigaw ni Autumn na agad nilapitan ni Cambrielle at inalo.

"Hush! Autumn don't worry, hindi siya ang nakita mo kanina sa Theatre. She's the real Raemilla we know," tiningnan niya sa mata ang dalagang umiiling. Halatang hindi kumbinsido.

"Pero nakita ko! Nakita niyo rin ni Senior Gwen diba? Kinuha niya ang aydentidad ng kaibigan ko, the one who look exactly like her," sabay turo kay Raemilla na nakanganga. "She was killed by that man in white cloak! My friend is dead! Kaya paanong naging siya ang taong iyan!" napabuntong hininga na lang ulit si Cambrielle at hindi alam kung paano kukumbinsihin na ang nasa harapan niya na natigilan at nangunot ang noo ay ang totoong Raemilla.

'A man in a white cloak?' sa isip ay ulit ni Raemilla. Bigla niyang naalala ang nangyaring kababalaghan kanina sa hagdan kung saan parang tumigil ang oras at lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng white cloak. 'Iyong parang sasali sa balagtasan kung magsalita ang tinutukoy niya?' piping tanong niya sa isip habang pinagmamasdan si Autumn na umiiyak at inaalo ni Cambrielle. Iniisip ni Raemilla kung nagpakita rin sa kaibigan ang misteryosong makata.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Cambrielle na mukhang walang choice ang kundi pakalmahin si Autumn sa isang paraang alam niya. Saglit niyang iniwan ito habang umiiyak at nagtungo sa medicine cabinet at kinuha ang mga kakailanganin niya.

The HunTame (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon