(Missing)
Hanggang ngayon ay namumula pa rin sa inis si Empress habang nakaupo sa isa sa mga couch ng Clubroom. Ang booth nila ay located mismo sa Club Room kung saan libreng magpa beauty salon ang mga kababaihan. Girls lang ang allowed pumila kaya naman sobrang busy ng mga inupahan pa nilang beuticians. Complete make over kasi ang offer nila.
"Hey girl, what's with face?" sabi ng isa sa mga kasamahan niya. Ang pangalawa sa pinakamayaman ng Club. Royal Princesses Club ang title ng Club nila kung saan ang bawat member ay mayaman. Lahat ng member nila ay mayayaman kaya naman barya lang ang ginagastos nila sa booth nila.
"Ay naku Girl, it's that freaking athlete again. She's so nakakaasar! You know? Hindi ko nga alam ang problema nya sa akin e, everytime she see me she was like--argh!" napatili na lang ang dalaga.
Napahagikhik naman si Queenie sa kanya. "Just ignore her na lang girl, I'm sure she's just naiinggit sa iyo. Kasi she's so itim and ikaw namam ang smooth at ang puti ng balat mo. Insecure like they say," naka de cuatro at nakapilantik pa ang daliri nito habang nagsasalita.
"You know what girl? You're right. Inggit lang siya sa beauty ko, e paano ba naman kasing hindi siya iitim e ang lagi siyang nakabilad sa initan." at sabay silang nagtawanan.
"I know right," at humagikhik na naman sila.
"Oh by the way girl, I'll go out muna for a while ha? I just need to be somewhere kasi okay? Keri nyo na ba here?" tanong maya-maya ni Empress na umahon na sa couch at humakbang nang palabas ng booth.
"Oh we can handle it girl, don't make alala. Sige go na wherever it is. Toodles!" kaway nito sa dalaga.
"I'll be back later okay, toodles!" sabay hakbang nito palabas sa hallway. Hindi na niya nakita ang pagtaas ng kilay ng ilang member at pagtawa ng pagak habang papalayo sila.
Sa hallway ay gumagawa ng ingay ay ang sapatos niyang supposed to be ay walang takong, pero dahil hindi mabali ang kagustuhan nila, pinagbigyan na rin naman sila. At ang above the knee nilang palda ay mas lalo pang umikli. Mid thigh lang ang length ng palda nila at hapit ang blouse nila na palaging bukas ang dalawang butones revealing their cleavage.
"Oh dear, it's so init! I'll be telling my parents talaga na mag-vacation sa Alaska." bulong niya habang papunta sa picnic grove ng school. Malilim kasi roon at tahimik. She just loved quiet places like this. Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong si Sichirei na parang may hinahanap at worried na worried.
Wala ring tigil ito sa kakapindot sa.cellphone na parang mabubutas na. Tumigil siya sa paghakbang at hinayaang mapatapat sa kanya ang dalaga na wala sa sarili.
"Pick up the phone Gwen!" gigil na sabi nito.
"Is there something the matter Pres?" napasapo sa dibdib ang dalagang nagulat.
"Ay kabayo!" pansamantalang tumaas ang dalawang kilay ni Empress sa narinig may Sichirei.
"Wow, What kind of kabayo ba ako? A stallion?" nakangiti pang sabi nito.
Tumikhim si Sichirei at ibinulsa ang phone saka tumingin kay Empress na nakangiti. "Sorry for the word Empress." Hinging paumanhin nito.
"Nah, it's nothing," sabay kumpas nito sa hangin.
"Okay," bahagyang tango ni Sichie. "Alright, if you'll excuse me, I have some errand to do.." lumihis siya ng daan para makaiwas kay Empress na nasa harapan niya. Nakalagpas na siya ng dalawang baitang ng tawagin ni Empress.
"What happen to Gwen? May problema ba?" natigilan si Sichie sa paghakbang at napalingon. Hindi siya makasagot rito.
"I don't really know Empress, I'm trying to reach her but she's not picking up her phone..." tila ba sa sarili lang nito iyon sinasabi.
BINABASA MO ANG
The HunTame (HIATUS)
FantasyTheir mission is to find the Oracle and the Four Maidens who's souls has been sealed away. They have to race between the Darlostte who wants the Maidens seal to find the Oracle's soul and wake the Black Phoenix. Light versus Dark The Hunter versus...