Nakabalik na kami sa dorm after our first training sa BEG, doon na rin kami nag-shower so wala kaming choice but to stay sa sala to gather with the other members of the Ateneo Lady Eagles, we can't make excuses din kasi naka-ayos na yung mga gamit namin sa dorm, pinaayos na raw yun kanina randomly para raw surprise pagdating namin dito.
We're waiting for the veterans to come sa sala pero wala parin sila, siguro may pakulo yung mga veterans namin.
Hindi naman nagtagal, dumating na sila ate Ly together with ate Ella and ate Den.
"Sorry guys, matinding takasan ang ginawa namin e." sabi ni ate Den habang napapakamot sa ulo niya.
"Alam na to nung ibang players, rookies lang ang walang alam dito." Pasuspense naman ni ate Ella.
"Every year, every may rookies, we do dangerous things. Like for example noong season 75, naglagay ng nylon strings habang patay yung ilaw so andaming nagkapasa that time kasi andaming nadapa HAHAHA." Ate Ly can't help it, she laughed so much. Siguro sobrang epic nung moment nay un kaya di maalis sa memory bank niya.
"Uh, ate Ly? Ano pong ganap this year? Mukha pong ang peaceful dito sa dorm ngayon?" Due to my curiosity I asked her na.
"Great question, Jho. Hindi siya dangerous for now. Pero bukas, oo, kapag mahina ka." Curiosity after curiosity. Huhuhu. Parang hindi naman nasagot tanong ko tapos panibagong tanong nanaman.
"So alam niyo namang bawal ang liquor dito sa dorm diba?" Ate denden asked.
"Omg. Pa-nomi po?" Maddie asked.
"Ugh, Mads, what is nomi?" Bea whispered to Maddie.
"Bei, inom, pinagbaliktad lang I at O, cute mo talaga beibei." Sabi ni Maddie, I find it cute din. Parang medyo na-shy si Bea don sa tanong niya.
"Yes and No. Yes kapag talo ka, No kapag panalo ka. And hindi rin positive ang pag inom kahit gusto nyo kasi you'll suffer sa training tomorrow, and, we your seniors, are not responsible sainyo." Ate Den explained.
"Rookies lang po ba ang maglalaro?" Tanong ni ate Jia, yung partner ni Deanna kanina, parang baby pa nga yung Deanna eh, alam ko kasi hindi namin siya kabatch.
"Hehehe. No. Para naman masaya ang welcoming party sainyo." Ate Ella said. So eto pala yun. Kaya naman pala hindi kami pinagintroduce kanin kasi, hulihan pala ang gagawin dito.
"And we're gonna play..." pa-supense ni ate Den, "Never have I ever." In chorus nilang sinabing tatlo.
Nagsimula na nga yung laro, nasa harap din namin yung san mig light na binili nila, nahirapan nga sila kasi bawal talaga magpasok. Sa sobrang ganda kasi ng image nila ate Ly dito, hindi na nagtataka yung mga guards sa kinikilos nila.
"Okay, Jia. Have you ever watched porn?"
"I have never."
Wow ang bait! Hmm ako rin naman hindi, aksidente lang don sa kaklase kong lalaki nung high school huhu.
"Okay lusot. Jho, have you ever kissed a girl?" Oh shit.
"I--I- have?"
"Drink. Drink. Drink." Pang-aasar ng veterans.
Ininom ko naman yung nasa baso, to be honest, I don't drink talaga, pero ayoko naman maging KJ, saka first year ko naman 'to.
"So who's the lucky girl?" Bea asked in a loud voice.
"Ooooh, spicy. Gusto ko yang mga ganyang eksena." Mich Morente said.
"Ahh, aksidente lang yun. I mean hindi pala? Truth or Dare kasi siya tapos natapat sa bestfriend ko, na yeah, babae? Tapos ang dare sakanya is to kiss the one she loves the most, nilinaw pa nila na not in a familial or friendship way." Bumuntong hininga muna ako bago muling magsalita, "And then, she kissed me, I did respond dahil sa peer pressure, but I'm a hundred percent sure na wala lang sakin yun."
Naiwan silang nakanganga, akala ba nila hindi ako straight?
"Ohmy, akala ko may girlfriend ka, Medyo amoy kasi kita eh HAHAHA." Jia Morado said.
"Taray ah, may pa-back story si Mayora. Next, Bea De Leon."
--
Oooh, medyo umasa ako na she isn't straight. Saka the way she explained it, parang wala nga lang sakanya yung kiss.
"Taray ah, may pa-back story si Mayora. Next, Bea De Leon." Uy me na. I'm a little bit nervous fck. "Have you ever had a girlfriend?"
"I have." Di ko na sila inantay magtanong. "2 girlfriends actually, si EJ and Jans."
Nakailang ikot pa, medyo lugi ako sa larong to, ang pasaway ko kaya, so most of the time, umiinom ako kasi I did those things.
So after ilang ikot si Jho ulit yung tinanong. "Have you ever questioned your sexuality?"
Hay. Parang nananadya yung veterans. Pero this activity is cool, nakilala mo talaga yung bawat isa beyond their angelic faces.
"Actually kanina lang I questioned, so I have."
"Ooh what makes you questioned it?" Ate Ella asked.
"Si Bea." She said habang mapungay na yung mga mata niya. Medyo marami na kasi siyang nainom kasi yung natatapat sakanya is... Did she wiwi sa kama or kumain ng panis, yung mga basics kaya naman ayon she's sober na.
I didn't hear her explanations kasi nakatitig lang ako sakanya, why am I spacing out?
"Okay bei, now your turn, hmp, Have you ever bashed ateneo lady eagles?" Ate Ly asked.
"Ooh. I have." It's so awkward. "I am a fan of Mika Reyes po kasi, she's my crush."
Lagot ako nito. Mukha naman silang hindi galit.
"HAHAHAHAHAHAHAHA." Nagtawanan silang lahat and I have no idea why.
"Your reaction is so priceless beh, mukha kang babaeng nadapuan ng ipis." Jho said. I'm not napikon. Actually, mas na-appreciate ko yung beauty niya kasi she's smiling na nawalan na siya ng mata.
Medyo nahihilo na rin ako, naglast round na and, yes napainom nanaman ako. I'm not that of a hard drinker pero mataas ang alcohol tolerance ko since every may event sa house nag-iinom kami ng wine with high alcohol content. Saka mababa lang naman alcohol content nito. Pero andami nila na hirap na hirap na tumayo like Mads and Ate Ella, si ate Ella kasi napagtripan ni Ate Den and Ate Ly.
Napag-alaman namin na roommates pala kami Bea together with Jia. Ako ang nagbuhat kay Jho kasi ayon kay Maddie, shenglot na raw si Jho. What is shenglot? UwU
Nung ilalagay ko na siya sa bed niya, hinila niya ko saka niyakap. "Dito ka lang." pero lumayo ako, kasi basing-basa siya ng pawis. Kumuha ako ng towel tas pinunasan ko siya. Patayo na ulit ako nung hinila niya ulit yung kamay ko at inipit ako sa braso niya.
Alam ko namang mas malakas ako sakanya pero bakit parang nanghihina ako?
"Alam mo, bago ako nagpunta dito, sure akong babae ako, kaso---" Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya kasi bigla nalang siyang naghilik. I laughed a little kasi she's so cute. Di ko pinansin sinabi niya, baka kasi power tripping lang. Ngayon lang naman kami nagkakilala.
Hinintay ko muna siya makatulog bago ako tumayo, pero may isang bagay na pumukaw sa atensyon ko...
Yung volleyball sa gilid ng varsity bag niya, may pirma ko.
YOU ARE READING
Blocked (JhoBea)
RomanceOne word. Blocked sa court. Blocked sa buhay. -A JhoBea fanfic-