Ahhhh! Ang sakit ng ulo ko. Nagising ako ng 5:30 AM dahil sa alarm ko na feeling ko ilang beses nag-snooze kasi 5:00 AM ang alarm ko alaga. May training kasi kami ng 7 AM. Kailangan ko bumangon at dapat hindi ko indahin yung sakit ng ulo ko.
Medyo marami kasi akong nainom kagabi at nakakahiya kay Bea kasi...
Flashback
"Aaackkhh" Napahawak ako sa ulo ko.
"What happened, Jho?"
Tumayo kasi ako para hilahin siya pagtapos niya ko buhatin dito. Parang kakaalis palang niya sa tabi ko kasi medyo tulala siya habang nakatayo.
"Nasusuka ak---"
And then BOOM nasukahan ko na siya.
End of flashback
Yan lang yung natatandaan ko kasi nakatulog na ako.
Agad kong hinanap si Bea, pero she's nowhere to be found. Si Jia naman kakalabas lang ng banyo, parehas kaming marami nainom. Akala ko talaga sobrang pure at bait ni Jia, pero she's makulit and cool din pala, talagang hindi lang siya nakanood ng porn HAHAHA.
"Ate Jia, si Bea?"
"Bea agad teh? Di pwedeng magthank you ka muna kasi ako naglinis ng pinagsukahan mo? HAHAHA joke lang, nandon sa baba, nagluluto ng breakfast."
"Hala nakakahiya, gising ka pa ba non?"
"Tulog nga ako agad e, Eh si Bea ginising ako, parang tuta na kinakalabit ako sabay sabing 'Te jia, look' tas naka-nguso pa. Awang-awa naman ako, parang first time nasukahan." Tawang-tawa ako sa pagkukwento ni Ate Jia, naiimagine ko rin si tigasing Bea na worried sa suka ko.
Napansin ko rin na iba yung shirt ko. Feeling ko namula ako thinking na si Bea yung nagpalit ng damit ko. Napayuko naman ako agad kasi baka isipin ni Ate Jia na iniisip ko nga na si Bea yun.
"And don't worry, ako nagpalit ng damit mo. She won't do that daw unless may consent mo."
"Ehhh di ko naman iniisip yun." Pagsisinungaling ko, eh kasi naman nakakahiya. Wala naman akong iniisip na malisya diba?
"Utot mo pink, saka Jia nalang, lakas maka-tanda nung Ate." Colorless kaya yung utot. Hmp. "Oh, andyan na pala si Bei."
"Hi Ju! Oh Jho gising ka na pala? Hangover? Magkape ka muna oh, saka I made a French toast."
"Wow BEA! Siya lang talaga inofferan? Pano naman ako? Baho kaya nung suka ni Jho, kulay dilaw pa. Ugh." Arte arte pa ni Jia. Hmp. It's not my fault kaya.
"Ju naman, nandon sa baba yung sa'yo. Kumakain na sila don, I just brought Jho's breakfast here, weakling kasi, di sanay sa inom." Akala ko pa naman concerned siya sakin. Yun pala ina-acknowledge lang niya pagiging weak ko.
"Oki baba na ko bye." Tapos nag eye-to-eye sila ni Bea na parang sinasabing 'Umayos ka' hahahaha, cute ni Jia.
"Ahm bea, pwede maligo muna ako?"
"No. Masama maligo ng walang laman ang tiyan"
"Pero ang baho ko na!"
"I don't care about how you smell." Wait, ang pogi niya. Ang hot kasi, ang dominant ng dating? "Stop staring at me."
"Sungit ah? Tara kain na tayo, oh here comes the airplaaane, Eeeeeeng."
"Aaaaaaaah." Bea De Leon? Tigasin? Nagpapauto na parang 2 years old para sa airplane thingy?
"Pfft." Hindi ko napigilan tawa ko.
"Why are you laughing? Napahiya na nga ako eh." She's so cuteee.
YOU ARE READING
Blocked (JhoBea)
RomanceOne word. Blocked sa court. Blocked sa buhay. -A JhoBea fanfic-