"Bea, can we talk?"
That's ate Aly, hindi ko alam pero kinabahan ako. Knowing ate Ly, lalabas yung wrinkles non sa mata kapag nagsasalita kasi lagi naka-smile. This time she's very serious.
"Sorry Bei." Nakita ko naman si Jia nandon pala siya nagtatago sa likod ni Ate Ly.
"Sa labas tayo ng Eliazo dorm at sa labas ng Ateneo, wala dapat makaalam nito."
Hindi kaya Jia told ate Aly about sa pag-amin na gagawin ko?
"Sorry talaga bea, I'm just concerned about you guys." Mukhang ganon na nga, hay. Akala ko pa naman tutulungan niya ako.
"Jia, sumama ka samin. SB nalang tayo, yung nearest dito. Naiistress ako sa mga batang 'to."
After naming mag-order, agad in-open ni ate Ly yung topic.
"Kung ano man yung pinaplano mo Bea, wag mo na ituloy." Bakit? Kasi parehas kaming babae? "Kung ang iniisip mo ay yung gender niyo? No. Nagkakamali ka. I'm saying this to you as your captain, I'm concerned about how the coaching team will react."
"Remember ate Den and ate Ly's closeness?" That's Jia. "Binigyang malisya yun ng coaches. Yun din yung reason why ate Den won't play for s78."
"Hindi pa namin dapat sinasabi 'to, kasi hindi pa tapos ang season. At dapat si Den na rin ang magsasabi sa team, pero Bea, don't let that happen to you guys." Kita ko naman yung sincerity ni Ate Ly, sobrang lungkot ng mata niya. "Kami nga ni Den na straight nabigyang malisya, pano pa kayo Jho?"
"What do you mean po?" I'm confused. Kami? Hindi ba dapat ako lang?
"Bea, she's feeling something different towards you." Jia said. "The night na nakita mong umiiyak siya, she confessed her feelings, kahit na sabihin mong a little crush lang yun, we can't be sure, baka mas lumala yun pag umamin ka pa sakanya."
"But I really love her po."
"Maling oras, maling pagkakataon, Bea."
"Pero hindi maling tao." Napabuntong hininga ako.
"Basta Bea, hindi pwede. Buong team ang maapektuhan sa desisyon mo."
And with that, bumalik na kami sa dorm at habang nasa biyahe hindi kami nag uusap.
---
Sana hindi nagalit si Bea sa ginawa ko. I'm just really concerned about them. Lalo na kay Bea. Sakanilang dalawa, si Bea yung mas masasaktan kapag tinuloy niya yung bagay na 'yun. Bea isn't strong as some people think na sobrang lakas ni Bea in handling her emotions.
"Bea, sorry ulit." Nandito na kami sa dorm, hindi naman nagtaka yung ibang ALE kung bakit kami biglang nawala. Sinabi kasi ni ate Ly na pinatawag kami saglit ng head ng sports ng ateneo.
"Jia, naiintindihan ko naman, pero sana sinabi mo muna sakin na sasabihin mo sa iba."
"Bea, alam kong di ako ang makakagpa-intindi sa'yo nung sitwasyon."
Naaawa ako kay Bea. Nakikita ko kasi sakanya kung gaano siya ka-attached kay Jho dito e. I know hindi sila ganong ka-close on-cam kasi nga rookies, mga takot pa. Pero off-cam you'll rarely see them na hindi masaya.
"Keep it lowkey nalang muna siguro."
"Bahala na Ju."
"At saka Bea, alam mo yung reason why Nico and Jho broke up."
---
That hit me. Oo nga pala. Hindrance from enjoying her favourite sport makes her fall-out love for nico.
YOU ARE READING
Blocked (JhoBea)
RomanceOne word. Blocked sa court. Blocked sa buhay. -A JhoBea fanfic-