Chapter 1

26 4 15
                                    

"Lilipat?! Bakit lilipat???" Inis kong tanong kay papa.

Lagi nalang kaming lumilipat. Hindi ko alam kung bakit. Kung kailang maayos na ang lagay namin, biglang lilipat naman.

"Anak, intindihin mo kami. Mas magiging maayos ang pag aaral nyo doon sa taguig."

"Eh pa, maayos naman dito ah?? Tignan mo naman hindi polluted yung lugar! Tsaka mababait naman mga tao dito ah?"

"Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang masusunod. Babalik tayo doon. Tapos ang usapan."

Yawa.

Lagi nalang ganto. Sa ayaw at sa gusto ko tapos ang usapan.

Maayos naman yung buhay namin dito ah? Anong problema? May bahay naman kami. Hindi naman ako nagkakaproblema sa school. Maayos naman lahat. Anong problema?

"Argh" dirediretso lang ako sa kwarto ko at sinarado ang pinto.

Kung kailang nakapag adjust na ko, mag aadjust nanaman ulit. Marami na akong kaibigan dito. Hindi naman sa pagiging selfish pero, kahit kailan hindi ako nagkaron ng matinong kaibigan. Yung kaibigang tatagal sakin. Ngayon palang. Kung kailang nandito na sila, pakiramdam ko babalik nanaman ako sa dati. Walang kaibigan. Walang kausap manlang.

Dinaan ko nalang sa tulog ang lahat. Malay ko ba kung pag gising ko nagbago bigla isip ni papa.

NAGISING ako sa pagyugyog na nararamdaman ko.

"Anak gising na, maglilipat na tayo. Tulungan mo kami maglagay ng gamit sa sasakyan"

It's already 5 o'clock in the morning. Papasikat palang ang araw pero eto kami. Tamang hakot lang

Hindi rin malayo ang taguig sa antipolo. 2 hours lang ang biyahe depende nalang kung traffic talaga.

PAGKARATING namin sa bahay, ito yung bahay ng tita ko na pinamana sakanila ng lolo't lola ko.

Hindi ako close sa mga pinsan ko as in. Ni hindi ko nga kabisado mga pangalan nila eh.

Ng makapag ayos na kami, agad naming pinuntahan yung school na papasukan ko.

School na may katapat na school pa ulit. Funny.

Mas malaki yung school ko kumpara sa magiging school ko ngayon.

Di gaya dito, half day lang kaming nasa paaralan. Samantalang sa school ko noon, whole day.

Bali may dalawang building na magkatapat. Parehong 4 storey building.

Sumalubong samin yung mga guards na anlalake ng katawan

"Ano hong kailangan nyo?" Sabi nung babaeng guard.

"Mag eenroll lang kami" nakangiting sabi ni papa.

Agad naman kaming pinapasok at mas nakita ko yung loob.

Sa kada palapag, dalawang classroom lang. Depende kung hahatiin pa ulit yon para maging apat na classroom kada palapag.

Yung classroom namin, mukhang sinwerte. Maluwag kasi. Nahahati lang sa dalawang classroom  ang second floor ng building.

At hindi arm chair ang gamit namin. Mahahabang lamesa na parang limahan lang.

Nang makapag enroll na ako, agad na kaming umalis.

LUMIPAS ang ilang linggo at pasukan na.

Panghapon ako. Mula 12:30-6:20 ang klase ko.

Bago pa man dumiretso sa classroom, pinapunta kami ng guard papunta sa court.

Last First YearWhere stories live. Discover now