PAGPASOK ko sa classroom, nandon na yung mga kaklase kong naglalabasan.
Magpapalit na kasi ng damit para sa isang subject namin.
Kanya kanyang punta sila sa CR.
Habang ako naman umupo lang.
Wala pa rin si camilah. Mukhang na late ah.
Iniisip ko palang, na dadaan kami sa katabi naming section ng naka suot ng attire namin, nakakahiya.
Lalo na't dress ang susuotin ko.
"Eli tara bihis tayo!" Sigaw sakin ni kate.
Nakita kong bitbit niya na yung damit nya at ready na bumaba.
Hihindi pa sana ako ng biglang dumating si camilah.
"Eli tara naaa!" Sabi niya sabay lapag ng bag niya at kinuha lahat ng susuotin niya.
Nang makapasok na kami sa isang cubicle, agad kong sinuot ang damit ko.
Paglabas ko, nakita ko sina kate at camilah kasama si layedie na nag aayos ng sarili nila.
"Ay sheet mas lalo kang magugustuhan ni yson" nakatalikod na sabi ni kate.
E puro babae lang kami dito.
Sino naman kaya yung nagustuhan ng baklang yon? Bakla yon diba? Bat magkakagusto sa babae?Nang makapagbihis na kami, agaw pansin kaming naglalakad pabalik sa building.
Sino ba namang hindi pagtitinginan sa suot namin?
Nang nasa second floor na kami, napatingin samin yung katabing section namin.
Nakakailang maglakad kaya naman nilakihan ko ang hakbang ko.
Nakita ko yung mga kaklase ko sa mga suot nila.
Bumagay kay ellezer yung suit niya dahil nagmukha siyang lalaki.
Kay Leighanna na pang doktor yung damit.
Kay pablo na naka pang chef nga.
Kay Dave na naka barong na may bitbit pang attache case.
Si camilah na nakapang doktor.
At ibat iba pa gaya ng mga may hard hat dahil engineer kuno, kaklase kong nakapangsundalo. Naka pang flight attendant, naka pang teacher, at iba pa.
Nang nagpipicture na yung teacher namin, pinagsama sama lahat ng magkakakulay yung damit.
Habang nakaupo ako, at nagpipicture na yung mga kaklase ko, napansin kong kanina pa nakatutok sakin yung cam ni yson.
Kunware wala akong alam at ngit lang ako ng ngiti pero hindi.
Nakakailangan na yung ginagawa niya. Hindi dapat ako lang yung kinukuhaan niya ng litrato. Dapat lahat. Pero hindi eh. Nasa akin lang yung focus.
Nagpapanggap pa siyang sa kaklase ko tinututok pero sakin naman talaga.
Gusto ata niyang maging magkaibigan kami. Lol
Nang matapos na, nagbihis na kami at pinagpatuloy na ang klase.
Recess na at agad na nagbabaan yung mga kaklase namin.
Pero eto ako magpapasabay nanaman. Si camilah din nagpapasabay na.
Habang abala ako sa pagsscroll sa cellphone ko, naramdaman kong may lumapit saamin.
Lumapit si pablo at si yson.
"Teh bat di kayo bumababa sa canteen?" Tanong ni pablo.
Bumaba naman kami nakaraan. Tinry namin. Sobrang siksikan kasi kaya nagpapasabay na talaga kami.
YOU ARE READING
Last First Year
RandomIt should be my first year. But it happens to be my last year.