AGAD akong pumasok sa classroom namin at gaya ng inaasahan, nandoon nanaman yung ngiti ni camilla na bubungad sakin pagpasok.
Ng dumating ang teacher namin sa Mapeh, sinabi niyang pumunta kami sa Mapeh dept. At kumuha ng uniform.
Since wala pang uniform na available na malaking size, ang small ang napunta samin at hapit ito sa katawan ko.
Sigurado akong di magsusuot ng ganto si camilah. Magpapagawa pa yan.
Pero dahil sigurado akong hindi naman ako magtatagal dahil for sure maiisip din nila papa na bumalik, di ko na kailngan pang mag inarte.
Maganda naman ako eh.
Nakabalik na kami sa classroom namin at ilan sa mga kaklase namin ay napatingin din.
"Yiee may uniform na sila!!" Sigaw ni Leigh-an.
Anong nakaka yie don?
Nginitian ko lang siya at umupo na.
Sa dalawang klase bago mag recess, tanging pagtulala lang ang ginawa ko.
Nag d-day dream na kunware biglang susugod dito si papa para pauwiin ako.
Pero mukhang iba yung sumugod.
Isang lalaking naka suot ng cap at may dala dalang payong.
At tinatawag nito si Leigh-an.
Nagulat nalang kami ng bigla nalang humagulgol si Leigh-an.
Malayong malayo sa Leigh-an na laging nakangiti. Na laging masiyahin.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagbigat sa dibdib ko.
Sunod sunod na ang bulungan.
At doon ko nalaman na, nasa ospital ang nanay niya. 50/50.
Bigla nalang pumasok sa isip ko na,pano nalang kung saakin nangyari yon?
Hindi siguro ako iiyak. Tatakbo nalang ako papunta sa ospital at mawawalan ng pakialam sa lahat.
Agad nag excuse si Leigh-an at agad na nag usap usap ang mga kaibigan niya.
"Ellezer anong nangyari?" Tanong ni kate at lumapit ito sakanya na halatang nanlulumo dahil sa nakita niyang reaksyon ni Leigh-an.
"N-nasa ospital yung mama niya. May c-cancer." Tanging sagot ni Ellezer at dahan dahang umupo.
"Sana okay lang si Leigh-an" biglang sabi sakin ni Camilla.
"Pero hindi yon okay." Sabi ko naman at umupo narin.
HINDI parin pumapasok si Leigh-an. Nawalan na ako ng balita sakanya dahil hindi ko naman nakakausap yung mga kaklase ko dito except kay Camilla syempre.
Dalawang araw na matapos nung mangyaring ekesena.
Nanatiling bakante yung tapat ng upuan ko.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot.
Wala na yung Leigh-an na maingay sa tapat ko. Yung Leigh-an na ambabaw ng kaligayan.
Natigil ang pag iisip ko ng biglang may umupo sa upuan ni Leig-an.
"Hi sisssssssss!!!!" Sigaw niya sabay buka ng pamaypay niya at parang nagpapacute sa harap ko.
Kakaiba mga bakla dito ah.
Saglit ko siyang tinignan at nilagay ang kamay ko sa baba ko at tumunganga ulit.
"Ay ang sungit naman! Kala mo maganda!" Bulong nito sabay tayo at inirapan ako.
YOU ARE READING
Last First Year
RandomIt should be my first year. But it happens to be my last year.