Chapter 5

6 1 5
                                    


Alas otso na ng umaga nang magising ako. Kumain muna ako tsaka bumalik ulit sa higaan ko..

Panay scroll lang ako sa cellphone ko ng makatanggap ako ng isang message.

"Hi! Pwede makipagkaibigan?"

Tinignan ko kaagad ang profile nito at isang babae pala ang nag chat saakin.

Siguro kaklase ko to.

"Kaklase mo ako"

Kaya di na ko nagdalawang isip na magtipa ng irereply ko.

"Sige?"

Pagkatapos non, hindi na siya nagreply.

Siguro bored lang siya kaya ganun.

Nang nag alas onse na, dumiretso na ako sa school.

As usual, nandon nanaman si ditual na nakangiti saakin. Si Leigh-an na wala parin sa upuan niya.

At mga kaklase kong kanya kanya.

"Sis! Wala ka pa sa gc namin?" Tinawag ako ni hasib.

"Wala" sagot ko sakanya sabay baba ng bag ko sa lamesa.

"Add kita! Penge muna lima"

"Wag nalang" sagot ko sakanya. Baka mamaya masanay to noh. Gawin pa kong bangko sentral ng El nido.

"Charot lang sige aadd na kita" sabi niya at tumalikod na ulit.

"Sprite nanaman Eli?"

Di ko napansing nakalapit na pala sakin si pablo.

Umupo nanaman siya sa upuan ni Leigh-an.

"Obvious ba?" Sagot ko sakanya kaya naman napataas ang kilay nito at ngumuso.

"Ay anchadora ka pala ha!" Kinuha niya nanaman ang sprite ko at pasimpleng naglakad papalayo na halatang nagpapahabol.

Lol. As if naman hahabol ako haha

Gaya ng nangyari nakaraan, bumalik din siya at nilapag yung sprite sa lamesa ko habang busy ako sa pag dodoodle.

Nagulat naman ako nung kinuha niya yung ballpen ko at siya ang nagdoodle sa papel ko.

Epal haa

"Kuha ka ng ballpen mo tsaka papel mo" aagawin ko na sana yung ballpen ko pero nakailag siya.

Hinayaan ko nalang siya at pinanood yung ginagawa niya. Bali nag ca-calligraphy pala siya.

Putcha ang ganda.

Maya maya pa pumunta narin si yson sa upuan ni Leigh-an.

Bitbit niya yung notebook niya pero nabitawan niya ito kaya napunta yon malapit sa paanan ko.

Nagkatinginan kami at parang iniisip kung sino ba pupulot.

Pero dahil kunwari mabait ako, kinuha ko naman yon.

Bakit ba ang gaganda ng sulat ng mga bakla?

"Ang ganda" sabi ko kay yson habang pinagmamasdan yung notebook niya.

"H-hah? Di nga maayos eh hehe" sagot niya sabay tingin din sa notebook niya.

Binalik ko na iyon dahil pumasok yung teacher namin sa filipino.

"Magsibalik kayo sa mga upuan niyo mga chaka"
Pagpasok ni maam sa classroom namin kasama yung mga tagabitbit niya ng gamit.

Napabalik naman sina pablo at yson sa upuan nila.

RECESS na at tahimik lang kaming kumakain di camilah dito nang biglang lumapit samin yung kaklase naming babae na nakaupo sa likuran nila kate at layedie.

Last First YearWhere stories live. Discover now