Pagbukas ko ng messenger ko, tadtad na pala ng message saakin si yson. Siguro mga nasa 10 yung message niya.Binuksan ko iyon at puro "eli" "psst" "hoi" ang sinend niya saakin. Nireplyan ko naman siya kaagad.
Ano yon? :
Pagkatapos masend, nagpalit na ako ng damit at kinuha sa bag yung notebook ko na naglalaman ng mga topic para sa susulatin ko.
Agad namang tumunog ang notif ko at nakita kong nagreply na pala si yson saakin.
: gawa mo?
Kada ichachat niya ko lagi niyang tinatanong kung ano ginagawa ko. Akala ko naman may importante siyang sasabihin saakin.
Busy ako :
Totoo namang busy ako eh. Tsaka gagawa ako ng article noh. Alangan namang makipagchismisan ako sakanya eh mahalaga to.
: ay ganon? Sayang ikkwento ko pa naman sana na si alkhaira kinukulit parin ako
Eh ano namang pake ko? Joke. Nagtipa naman ako ng irereply ko sakanya para matahimik na siya. Mamaya ko nalang iseseen pag natapos na ko sa ginagawa ko.
Kwento :
Naghintay lang ako hanggang sa sunod sunod na ang notif na natatanggap ko. Hindi ko na muna iyon pinansin.
Hanggang sa hindi ko namalayan na natapos ko na pala yung article ko. Sobrang saya ko! Excited na kong ipasa iyon kaso sa friday pa naman.
"Eli kakain na" tinawag na ako ni mama at kumain na rin. Dating gawi. Ako sa paghuhugas ng pinggan.
Sobrang sarap sa pakiramdam na humiga sa kama! Pagkatapos kong mag isip sa paggawa ng article,makakatulog narin sa wakas!
NAGTATAKBUHAN ang mga kaklase kong lalaki pagpasok ko ng classroom. Mukhang naglalaro sila. Kakaiba yung laro nila dahil may kasamang hamapasan iyon.
Umupo ako at nilagay ang bag ko sa ilalim ng mesa. Pumikit ako at tumungo. Nakaramdam ako ng kamay na humahaplos sa buhok ko.
Si Leigh-an pala. Tinitirintas niya rin pala yung buhok ko. Trip neto?
"Eli kailan birthday mo?" Patuloy parin siya sa paghaplos sa buhok ko.
"Sikretong malupet" sagot ko kahit nakatungo.
"ANO BERTDEY? SINO MAY BERTDAY?" sa sobrang lakas ng boses, napalingon ako kung saan iyon nanggaling.
"Si eli. Tinatanong ko lang kung kailan birthday niya jumair" sagot ni leigh-an sakanya.
"AH GANON BA? KELAN BA? SAN TAYO?" habang naglalakad siya ng maangas papunta sakin
"Close tayo?" Sagot ko sakanya na nakapagpatigil sa paglakad niya.
"NYIHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHHA"
"OOWWWWWWWW"
"PANES KA JUMAIR HAHAHAHAHAHAHAHAH"
"YAN KASE DI NAMAN KAYO CLOSE EH"
Sunod sunod na tawanan ang naganap. Panay oww naman yung lalaking sinabihan ako ng huhtdog nakaraan.
Nagulat naman ako ng biglang tumabi sakin si jumair.
"Oh yan close na tayo" ngisi niyang sabi sabay kindat.
May malandi rin palang lalaki noh? Si jumair iyon.
"Ngina mo yasser" sagot ni jumair dun sa lalaking nag oww sakanya.
YOU ARE READING
Last First Year
RandomIt should be my first year. But it happens to be my last year.