Chapter 9

7 2 2
                                    

NATAPOS ang tatlong  subject namin at lutang nanaman ako. Recess na pala at nagbababaan na sila.

Kinuha ko yung wallet ko sa bag at kumuha ng pera. Sinara ko na ulit at tumingin Kay Camilah.

"Tara na teh baba na tayo Baka maubusan tayo ng pagkain don" sabi niya sakin.

Pagkalabas na pagkalabas Palang namin ng pinto, sinalubong agad ako ng nakangiting si Pablo.

"Hi bEh Penge Lima" Sabay lahad ng kamay Niya sakin.

Hindi ko naman siya sinagot at dirediretso lang kami sa hagdan.

"Ay ancha ka bEh? Five lang eh andamot" panay sunod parin siya saamin hanggang sa nakaabot na kami sa siksikang canteen na amoy kulob na Ewan

"Mukha ba akong Bangko? Di ka ba binabaunan ng nanay mo?" Di ko na napigilang sagutin siya dahil sinisiksik Niya ako lalo papunta sa maraming tao.

"Teh ako na bibili ng sayo" singit samin ni camilah at agad ko namang Binigay ang pera ko sakanya.

"BEh five lang bEh" pangungulit parin ni Pablo saakin.

"Wala na akong pera" pagsagot ko na di na magbabago desisyon ko.

Mukha namang napagod na si Pablo kaya naman naghanap siya ng ibang mahihingan ng Lima.

PAG AKYAT namin sa classroom, nagulat kami dahil nandoon na agad yung teacher naming terror sa math.

"Lahat ng cleaners maglinis na kung ayaw niyong maging absent" sabi ni sir Sabay kain.

"Pero sir recess Palang ah?" Sagot ni Ellezer sakanya.

"So? WAla akong pake maglinis kayo. Mukha kayong basurahan,,, tutal mga basura nga naman kayong lahat" sagot ni sir kaya agad namang nag ingay ang buong klase.

Anchadora much? Buti nalang Hindi ako cleaners ngayon.

"Hoy Eli isa ka sa cleaners ngayon tulungan mo ko sis Tuesday ngayon" nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Ellezer sa tabi ko.

Buti nalang mabilis ako kumain kaya nag umpisa na akong magwalis walis sa likod. Pero napansin ako ni sir kaya naman pinagwalis pa ako sa harapan.

Wowerz

Habang nagwawalis ako, nagulat ako kase naglaglag si sir ng basura sa winawalisan ko. Edi nilinis ko. Pero naglaglag ulit siya ng paulit ulit kaya tumigil ako.

"Sir bat kayo nagkakalat?" Tanong ko kaya napatingin sakin si sir maging ang buong klase.

"Eh naglilinis ka naman eh kaya ako nagkakalat" sagot ni sir na para bang mali ang tinanong ko.

"Grabe ka sir kala ko ba kami yung mga basura kase makalat kami?" Biglang sabat ni Dave.

"Talagang basura kayo lalo ka na ang itim mo" sagot Niya na ikinatahimik ni Dave.

Hindi ko gusto ang pananalita ni sir. Hindi nakakatuwa. Baka maihampas ko tong walis na panot sakanya.

Nag ring naman ang bell kaya kinuha ko na yung natirang kalat ni sir at binalik ang walis sa likod.

Naglesson siya na may kasamang pang aancha sa mga studyante. Minsan naisip ko na Baka bakla tong si sir kaya ganto siya.

Bakante ang sumunod na subject namin kaya naman nagingay nanaman ang classroom namin.

Lumapit saakin si Leigh an at pati narin ang Iba pa.

"Masanay ka na eli ganon talaga si sir since last year. Yung isang kaklase namin nakaraan Nainis sakanya at sinagot siya." Kwento ni Leigh an

"Pero syempre magpapatalo ba si sir? Ang ginawa Niya, hinagis Niya sa labas yung bag nung studyanteng yon at pinalabas Niya rin." Dugtong nmn ni kate.

"Ancha talaga yon si sir sis. Pinaglihi Ata sa sama ng loob" Sabay ni Ellezer habang nagcecellphone.

"Basta ang mahalaga, maganda ako" sabi ni Dave Sabay wasiwas ng pamaypay Niya.

"Kapal mo bEh di ka maganda" sagot ni Pablo sakanya at inagaw ang pamaypay ni dave.

"Pero mabait yon si sir pramis." Kanina pa pala nakikinig si Perez saamin.

"Panong mabait?" Tanong ni Layedie

"Kasi last year, kasama ako sa contest tapos muntik na ako makapasok sa international kaso di ako nagfirst. Tapos sabi niya, okay lang daw yun. Sa susunod daw galingan ko nalang. Tapos nilibre niya kami sa jabee" Ngiting ngiti pa sa Perez habang kinukwento niya.

"Mukha ka talagang jabee Perez hahahahaha" sabi ni leighanna kaya naman nagtawanan sila.

Habang busy sila sa pagchichismisan, nagcellphone ulit ako. Pero kinuha ko nalang yung earphones ko kasi naiistorbo ako sa ingay nila. Nagsscroll ako sa music ng biglang tumabi sakin si Perez.

"Nakikinig ka pala sa kanta ng IVOS???" Excited na tanong niya sakin na para bang madami siyang Alam sa banda na yon. Pake ko naman? Char.

"Minsan" akmang isususot ko na yung isang pares ng bigla niya naman kinuha.

"Alam mo dapat lagi kang nakikinig sa mga kanta nila. Pakinggan mo yung MUNDO,BATA DAHAN-DAHAN, WHERE HAVE YOU BEEN MY DISCO,BAWAT KALULUWA,IN MY PRISON tapos marami pa I serge mo!" Binalik niya na sakin yung earphone na isa kasi nagyaya na yung mga kaibigan niyang weird na maglaro ng hampasan ng papel.

Nakikinig talaga ako sa mga kanta nila kasi ang astig ng banda na yon eh. Tapos parang makaluma pa yung datingan nila. Napatingin naman ako sa tabi ko kasi ngayon ko lang napansin na wala pala Si camilah sa tabi ko kaya nakaupo si Perez kanina. Nandon na pala siya masama sila Kate sa labas at nagchichismisan parin.

"BEh ayaw mo sumama kila Kate sa labas? Nag iisa ka dito oh you're so lonely"  sabay upo ni Pablo sa harap ko at nangalumbaba.

Umiling lang ako at di niya na ko pinilit pa. Nahagip ng paningin ko na dumiretso narin siya sa labas parang sumali sakanila. Habang pinipilit kong maging abala ang sarili cellphone kong paulit ulit na ang mga kanta, nagulat ako dahil bigla akong natamaan ng ligaw na isang banig ng biogesic. Sa ulo ako natamaan at masakit kasi yung matulis na parte yung tumusok sakin. Nilingon ko kung san nanggaling yung gamot at nakita ko si yson na gulat at nakatayo sa gilid.

Kinuha ko yung gamot at binato sa mukhang niya at tumama iyon sa mata niya at unti unting tumulo ang dugo at lumabas ang laman na may ugat niya.

Joke lang. Di ko binato yung gamot kahit gusto ko na Siyang suntukin ay nagpigil ako.

"HAla eli sori huhuhu di ko sinasadya si Pablo kasi nasa likod mo, nagulat ako bigla kang umupo eh nakatungo ka kanina huhu" Ay so kasalanan ko pa pala na natamaan mo ako?

"Ay Waw ang todo mo naman yson kasalanan pa pala ni eli?" Natatawang sagot nung babaeng palaging kasama ni ellezer

"May sinabe ba ako ha bainor?" Biglang nagtaray si yson sakanya kaya lalong natawa si bainor.

Hindi na ako nakisabat pa dahil biglang tumunog ang bell na hudyat parang mag uwian na ang lahat at wala ng pakialamanan sa isat isa.



BinukotSaKastilyo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last First YearWhere stories live. Discover now