"Caztillo, pinapatawag ka na daw sa filipino dept."
Pagpasok na pagpasok ko palang ay sinalubong na kaagad ako ni perez. Ang president namin.
Binaba ko ang bag ko at dumiretso sa filipino dept. Sa baba lang iyon ng classroom namin at katabi ng library kaya naman alam ko na iyon.
Kumatok muna ako at pumasok na. Nakangiting sinalubong ako ng isa sa nga teacher sa loob ng dept.
"Hi ikaw siguro si Elisandra ng El-nido?" Tumango naman ako bilang pag-sang ayon.
"Nabasa ko ang ginawa mong essay o sanaysay. Hindi ko akalaing magagawa mo iyon sa maikling oras lamang. Gusto sana kita isali bilang isa sa mga journalist ko sa filipino. Kung papayag ka lang naman."
Journalist? Syempre naman!! Matagal ko ng gustong magtanong dito kung saan dapat makakasali dahil sa dati kong school ay iyon din ang sinalihan ko.
"Opo!" Nakangiting sagot ko kay ma'am.
"kung ganon, bibigyan kita ng mga topic na gagawan mo ng sanaysay. Ipasa mo saakin sa friday huh? Aasahan kita" pumasok na sa loob ng dept si ma'am dahil mukhang busy siya.
Naiwan naman akong nakangiti sa pintuan ng dept. For sure pinagtatawanan ako ng mga nakakakita sakin pero wala akong pakialam! Sobrang saya ko ngayon araw!!
Masaya akong bumalik sa classroom namin. Ngiting ngiti ako na dumaan sa backdoor.
"Oh bat ansaya saya mo ata eli?" Tanong sakin ni leigh-an ng makaupo ako.
"Kase, journalist na ako dito" tuwang tuwa ko paring sabi.
"TALAGA?? OMG! GUYS! SI ELI JOURNALIST NA!!!" sinigaw pa ni leigh-an.
"Talaga eli? Shet ang galing"
"Hala pasok siya?"
"Sino pa nakapasok?meron pa?"
"Hindi ko alam kung mayroon pang nakapasok." Sagot ko sakanila. Nakangiti parin ako dahil sa tuwa.
"Seryoso ba to? Bat parang ngayon ka lang ngumiti ng matagal ha? Smile ka na lagi eli! Mas maganda ka!" Sigaw naman ni pablo saakin.
"AYIEEEEEEE ikaw pablo haaa" biglang sabi ni leighanna.
"Nako nako pabs ano yan ha!" Sigaw naman ni layedie sakanya.
"Hoy bakit sinabi ko lang naman na mas maganda siya ah!" Sagot sakanila ni pablo.
"Wieee defensive!" Inasar pa siya lalo ni leighanna.
"Pwede ba? Ang ingay nyo naman." Nagulat kami ng bigla nalang magsalita si yson.
"Nako nako nako" sabi ni kate sabay iling iling pa.
"PAMINTA KA PALA SIS! HAHAHAHAH" bigla nalang tumawa si ellezer nung sinabi niya yon.
"eli oh eli oh" mukhang inaasar pa lalo ni leighanna si yson.
Ano bang nga pinaglalaban nito?
Panay sigawan na sila. Kaya naman nawala ang ngiti ko at nabwiset dahil sa ingay.
Umupo nalang ako at nag cellphone habang wala pang teacher.
Naramdaman ko naman na may biglang sumiksik saakin. Kaya napatingin ako sa kanan ko at nandun si shahara na nakangiti.
Maganda si shahara. Kamukha niya nga si kisses delavin eh. Tsaka ang ganda rin ng pagkabagsak ng buhok niya. Natural na natural. Ngayon ko lang siya nakita na nakalugay. Lagi kasing naka ponytail si shahara kaya ngayon ko lang napansin kung gaano kaganda yung buhok niya.
YOU ARE READING
Last First Year
RandomIt should be my first year. But it happens to be my last year.