Pagpasok ko sa classroom, kita ko agad yung mga tingin ng mga kaklase ko.
Naka white shirt at jeans naman ako.
Dumiretso agad ako sa upuan ko.
Si camilah, nung nakita ako napangiti. Siguro dahil ako lang naman ang kilala niya dito.
Nang nagbell na, agad na pumasok yung adviser namin na teacher namin sa Mapeh.
"Goodmorning!!" Sabay ngiti nito.
Mukhang mataray si maam pero magaan naman ang vibe pag naglelesson siya.
Ang tawag niya pa nga sa katabi namin ay cheatmate which is true pero di ko pa naranasan kumopya sa katabi ko. Kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko yon.
Agad.
Dahil nasa first section nanaman ako, inaasahan kong mas strict at mas independent ang mga studyante na kasama ko.
Lalo na't lahat kami ay with honors.
Pero nagkamali ako.
Nagagawa nilang magkopyahan at mukhang nagkasundo pa nga sila na tipong pa pasa pasa pa ng sagot.
Pero hindi rin naman lahat. Dahil yung iba sa mga kaklase namin ay galing sa ibang section. Kaya naiilang silang kumopya.
Sa ngayon.
Hanggang sa sumunod na ang filipino.
Pag pasok palang ng teacher namin, maging ako kinilabutan
Mukha siyang mataray lalo na sa shade ng lipstick niyang violet. Hindi rin siya katangkaran at kulot ang buhok nito na halatang nirebond. Kayumanggi rin ang kulay ni maam.
"Hello mga chakaaaaaa" bungad nito at nagbago ang ekspresyon sa mukha.
Mula sa pagiging mataray ay biglang naging parang high school student ang dating.
Cool.
Mukhang kasundo niya yung mga bakla kong kaklase dahil ang tawag saknya ay "mamsh" "mamc" at iilan ding mga lalaki kong kaklase na nagsisilbing tagabitbit niya ng mga gamit niya. Ang tawag naman niya sa mga ito ay mga "chiki"
Mukhang madali niyang mapapasunod ang mga studyante dahil narin sa vibe niya.
Madalas din siyang nakangiti kaya naman nakukuha niya ang atensyon namin.
Sa sumunod na teacher, biglang pumasok ang isang hindi katangkaran na babae at bagsak ang makapal na buhok nito.
Mala hour glass ang katawan pero may baby fats sa face.
Nakataas ang kilay nitong sumalubong saamin. Kasama ng kanyang pulang lipstick na lalong nagpataray sakanya.
"El nido are you listening?!?!" Sigaw nito ng hindi matahimik ang mga kaklase namin.
"Who would like to answer?" Tanong niya ngunit walang nag taas.
Imbes na magalit, tumawag siya ng apelyido na hindi ko naman kilala at ito ang pinasagot niya.
Mukhang mapapalaban kami sakanya.
Pagkatapos niya ay recess na namin, pero dahil ayoko namang bumaba, hinarang ko ang isa sa seatmate ko at nilabas ko ang pera ko.
"Pwedeng pasabay?" Tanong ko dito. Mukhang silang tatlong magkakaibigan lang ang close kaya di na ko mahihirapan pang magpasabay tutal mukhang mababait naman kahit papano.
Kinuha nama nito ang pera ko. At bumaba.
Gaya ko, hindi rin bumaba itong katabi ko. Syempre wala siyang kasabay e.
YOU ARE READING
Last First Year
RandomIt should be my first year. But it happens to be my last year.