Chapter 1

17.5K 201 1
                                    

NAPABUGA si Trinity ng hangin nang tingnan ang screen ng kanyang cellphone at makitang ang kanyang Mama ang tumatawag. Bahagya muna siyang nag-isip kung sasagutin iyon, masama pa rin kasi ang loob niya sa ina hanggang ngayon.
Sa huli ay pinili niyang sagutin ito, alam naman niyang hindi ito titigil sa pagtawag hanggat hindi siya sumasagot. “Hello.”

“Bakit ang tagal mong sumagot?” agad na tanong ng Mama niya.

Napakamot siya sa ulo. “Hindi ko ho kasi narinig na tumutunog ang cellphone ko.”

“Nasaan ka na?”

“Nandito na po ako sa terminal, kadarating lang ng bus na sinakyan ko.” Inipit niya sa pagitan ng tainga at balikat ang cellphone para mabuhat niya ang dalawang bag na dala.

“Wala pa ba diyan ang Tito Edgar mo?”

“Eh ‘di sana on the way na kami papunta sa bahay nila kung narito na sila ‘di ba?” papilosopong sagot niya.
Sanay na naman ang kanyang ina sa ugali niyang iyon at walang problema kung minsan ay pinipilosopo niya ito. Halos para lang silang magkapatid ng ina kung magturingan, buddy-buddy.

“Relax ka lang diyan, maya-maya lang darating na sila.”

“Ma, hindi ba talaga pwedeng sa isang boarding house na lang ako tumira or ‘di kaya sa dorm.”

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng ina. “Trinity, pagtatalunan na naman ba natin ‘yan?”

Gusto niyang magpapadyak sa inis. Lahat ng gusto niya ay ibinibigay at sinusunod ng Mama niya, ngayon lang talaga siya nito ayaw pagbigyan.

“Close naman kayo ng mga pinsan mo ‘di ba, kaya anong problema kung sa bahay ng Tito mo ikaw titira?”

“Na-explain ko na sa’yo ang side ko ‘di ba? Gusto kong maranasan ang mamuhay ng mag-isa kahit sandali lang.”

“At paano kapag pinayagan kita, ano’ng mangyayari?” pakli naman ng ina niya. “Trinity, malaki ang pagkakaiba ng Legazpi at Manila. Pasasakitin mo lang ang ulo ko sa pag-iisip at pag-aalala sa’yo.”

“Pero, Ma—”

“Huwag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo, Trinity,” her Mom said warningly. “Habang nariyan ka sa Manila ako ang susundin mo or else hindi talaga kita papadalhan ng allowance!”

She gritted her teeth sa pagpipigil na sagutin ang ina.

“Sige na, maghahanda pa ako para sa pagpasok sa opisina. Mag-iingat ka riyan. At huwag puro laskwatsa ang atupagin mo, mag-concentrate kang mabuti sa pagrereview mo,” paalala nito bago nawala sa kabilang linya.

Yamot na ibinulsa niya ang cellphone. Naiinis talaga siya dahil pakiramdam niya ay walang tiwala sa kanya ang ina kaya ayaw siya nitong pagbigyan sa request niya.

Twenty-two years old na siya. Dalawa lamang silang magkapatid at siya ang panganay. Katatapos lang niya ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering at lumuwas nga siya rito sa Manila para paghandaan ang kanyang board exam.

Sinabi niya sa ina na makiki-share na lang siya sa apartment sa mga kaibigan niya na magrereview din tulad niya pero hindi ito pumayag. Mas kampante raw kasi ang Mama niya kung doon siya titira sa bahay ng kapatid nito. Pero alam niyang hindi lang iyon ang dahilan, umaasa kasi ito na magbabago ang ugali niya kung doon siya maninirahan.

“Ate Trinity!” malakas na tili mula sa kanyang likuran.

Nang humarap siya ay nakita niya ang dalawang pinsan na sina Zyra at Mylene, kasunod ng mga ito ang Tito niya. Tumakbo palapit sa kanya ang halos kasing-edad niyang si Zyra at muntikan pa silang matumba nang sunggaban siya nito ng yakap.

❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon