TINULUNGAN ni Trinity ang mga pinsan sa pagbababa ng gamit nila mula sa kotse. Kadarating lang nila sa Avila Beach Resort. Naka-reserve ang buong resort na iyon para sa celebration ng birthday ni Zyra.
“Ano’ng oras daw darating sina Candy?” tanong ni Zyra kay Mylene habang papatungo sila sa suite kung saan share silang tatlo.
“Ewan ko, hindi ko naman siya nakausap eh. Sira ang cellphone ko remember?” ani Mylene bago siya nito binalingan. “Hindi pa ba sila nagti-text sa’yo?”
“Kanina before tayo umalis nagtext si Aira. Ang sabi niya hihintayin lang nila si Harvey tapos susunod na sila rito,” ani naman niya.
“Mag-aalas tres na, dapat nandito na—” napatigil sa pagsasalita si Zyra nang tumunog ang cellphone nito, sinagot iyon ng babae.
Sinenyasan niya si Zyra na mauuna na sila ni Mylene sa suite, tumango lang naman ito. Kinuha niya ang dala nitong bag para dalhin na rin sa suite.
“Ang sabi ni Aira sasama daw si Kuya Harvey dito, totoo ba ‘yun?” tanong ni Mylene pagkapasok nila sa loob ng suite.Bahagya siyang natigilan. Paano nga kung sumama si Harvey?
So? What’s the big deal kung sumama siya? Huwag kang masyadong magpa-apekto ano! kastigo niya sa sarili.
“I don’t know, siguro,” sabi na lamang niya.
Nangunot ang noo ng babae. “That’s strange, first time na sumama ni Kuya Harvey sa mga ganito. He hates parties, lalo na ‘yung mga ganito. Iyon nga ang madalas nilang pagtalunan noon ni Mary eh, kasi hindi niya nasasamahan si Mary sa mga sosyalan na pinupuntahan nito.”“So you mean killjoy siya?” aniya na sinimulan nang ayusin ang mga gamit niya sa loob ng cabinet.
“Not really. Let’s just say na hindi lang talaga siya nagi-enjoy sa ganoon, siguro kasi masyado siyang seryoso sa buhay.”
Tiningnan niya ang pinsan. “Then bakit bigla siyang sumama rito?”
“Don’t ask me, I have no idea either. Maybe babantayan lang niya ng todo si Candy.”
Kumunot ang noo niya. “Bakit naman?”
“Nagtanong pa ito! Obvious ba, ayaw niyang malapitan mo si Candy. Paniwalang-paniwala kasi siguro siya sa drama ninyong dalawa.”Hindi siya umimik. Hindi na niya sinabi sa pinsan na nagkausap na sila ni Harvey at ayon dito wala ng problema kung paminsan-minsan ay magkasama sila ng kapatid nito.
Katatapos lang nila ni Mylene na ayusin ang mga gamit nila sa cabinet nang pumasok sa loob ng silid si Zyra.
“Bumaba rin daw agad tayo doon sa ibaba sabi ni Mama. Pasaway kasi ‘yung dalawa nating katulong eh ang bagal kumilos, tumulong daw tayo sa paghahanda ng mga pagkain doon sa ibaba,” nakasimangot na sabi ni Zyra.
“Ayusin mo nga ‘yang mukha mo. Huwag ka ng bumaba doon, kami na ang bahala. Nakakahiya naman kung pagta-trabahuhin namin ngayon ang birthday celebrant,” ani Mylene.Nauna na silang dalawa ni Mylene na lumabas ng suite at nagtungo sa malaking cottage kung saan iniaayos ang mga pagkain.
Napatigil siya sa paglalakad nang matanaw ang paparating na sasakyan ni Harvey.
“Mylene, mauna ka na doon sasalubungin ko muna sina Candy,” aniya sa pinsan.
Sumunod naman si Mylene sa sinabi niya. Pumihit na siya para salubungin ang mga bagong dating. Napakunot ang noo niya nang sina Harvey at Aira lang ang bumaba ng sasakyan. Lumapit siya sa mga ito.
“Hi,” nakangiting sabi sa kanya ni Harvey.
Tipid na ngiti lang ang iginanti niya rito bago binalingan si Aira. “Nasaan si Candy?”
BINABASA MO ANG
❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)
RomanceFor Harvey Cuevas, isang malaking sakit ng ulo si Trinity Punzalan. Kahit pa ba saksakan ng ganda ang babae, ito naman ang dahilan kung bakit lalong lumaki ang problema niya sa kapatid. Konsumisyon na nga noon ang kapatid niya, lalo pang nadagdagan...