GINAWA nga ni Harvey ang lahat to put Mary out of his mind. Mag-iisang buwan na ang nakakalipas buhat nang maghiwalay sila at sa loob ng panahong iyon ay wala siyang natanggap na tawag o text man lang mula sa babae.
Sa halip na dibdibin ang nangyari, itinuon na lamang niya ang pansin sa trabaho niya sa kanilang kompanya. Siya ang Vice President ng CGTelCom, isa sa mga pinakamalalaking telephone company sa bansa.
Napahinga siya ng malalim at ibinaba ang papeles na hawak sa lamesa. Tumayo siya at nag-inat ng katawan bago lumabas sa kanyang silid.
“Manang dumating na ho ba si Candy?” tanong niya sa katulong na siya niyang naabutan sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom.“Hindi pa ho, Sir,” tugon naman nito.
Nagpaalam sa kanya kaninang umaga si Candy na late na itong uuwi dahil manonood raw ito ng sine kasama ang mga kaibigan.
“Nakita mo ba kung sino ang kasama niyang umalis kanina?”
Umiling ito. “Wala naman hong sumundo sa kanya eh, nagpakuha nga lang ho sa akin ng taxi kanina.”
Nagpatango-tango siya. “Abangan mo ang pagdating niya ha. Sabihin mo sa akin bukas kung anong oras na siya nakauwi.”
“Oho.”
Bumalik na siya sa itaas. Kinuha niya ang mga papeles na binabasa sa kanyang silid at tinungo ang terrace dala ang mga iyon.
Lumipas ang ilang sandali. Tiningnan niya ang suot na relos, pasado alas onse na pero wala pa rin ang kapatid niya. Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan ang kapatid pero out of coverage area ito.
Katatayo lang niya nang may humintong taxi sa tapat ng gate nila. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang bumaba mula doon si Candy at kasunod nito si Trinity. Ilang sandali ring nag-usap ang dalawa sa labas at bago pumasok ang kapatid niya sa gate ay hinagkan pa nito sa pisngi si Trinity.Nanggigigil na bumaba siya para salubungin sa may pinto ang kapatid. Hinintay muna niya na kumatok ito bago niya pinagbuksan ng pinto ang babae.
“Hi, Ma— Kuya!” nagulat na sabi ng babae nang makita siya.
“Ano’ng oras na?” kaswal na tanong niya. Ayaw muna niyang ipakita rito na naiinis siya.
“Eleven-fifteen,” tugon nito at pumasok sa loob ng bahay.
Isinara niya ang pinto. “Ano’ng oras ang sinabi mo sa akin na uuwi ka?”
“Nine o’clock. Eh kasi Kuya, last full show na ‘yung pinanood namin eh.”
“Bakit? Eh ang sabi sa akin ni Manang alas kwatro y medya ka pa raw umalis dito sa bahay.”
Ù
“Nagyaya pa kasi ‘yung mga kaibigan ko na magpunta sa bahay n’ung isa naming classmate eh.”Nagpatango-tango siya, ang galing talagang mag-isip ng palusot ng kapatid niyang ito.
“Sino ang naghatid sa’yo rito?”
Nangunot ang noo nito. “Naghatid sa akin? Wala, nagtaxi nga lang ako pauwi eh.”
Hindi na siya nakapagpigil na sapukin ito. Nuknukan talaga ng sinungaling ang babaeng ito.
“Aray! Bakit ka ba nananapok?!” reklamo naman nito.
“Dahil ubod ka ng sinungaling!”
“Eh sa wala naman talagang naghatid sa akin eh!”
“Kung ganoon sino ‘yung kasama mong bumaba ng taxi?”
Hindi nakakibo ang babae.
“Pwede ba Candy, huwag mo akong pinaglololoko! Kitang-kita ko na magkasunod kayong bumaba ni Trinity sa taxi.”
BINABASA MO ANG
❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)
RomanceFor Harvey Cuevas, isang malaking sakit ng ulo si Trinity Punzalan. Kahit pa ba saksakan ng ganda ang babae, ito naman ang dahilan kung bakit lalong lumaki ang problema niya sa kapatid. Konsumisyon na nga noon ang kapatid niya, lalo pang nadagdagan...