Chapter 6

6.1K 127 1
                                    

PAGBABA ni Trinity sa salas ay naabutan niya ang Tito Edgar niya na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro. Lumapit siya rito at hinagkan ito sa pisngi.

“May lakad ka? Gabi na ah,” anito.

“Wala ho, diyan lang ho ako kina Candy pupunta.”

Tiningnan siya nito. “Napapansin kong panay ang labas ninyo nina Zyra kasama sina Candy, baka naman napapabayaan mo na ang pagrereview mo.”

“Hindi naman po, bago naman kami umaalis nagrereview muna ako.”

“Mabuti naman kung ganoon. Magagalit ang Mama mo kapag napabayaan mo ang pagrereview mo.”

Ngumiti siya. “Don’t worry Tito, kayang-kaya ko ‘yun. Sige ho, aalis na ako.”

Nagmamadali siyang umalis ng bahay at naglakad patungo sa bahay ng mga Cuevas. Pagdating niya roon ay pinatuloy siya ng katulong sa salas.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang bumaba si Harvey.

“Hi,” nakangiting bati sa kanya ng binata habang pababa ito ng hagdan.

Tipid na ngiti lang ang iginanti niya rito. Lihim siyang nagtataka sa iginagawi ng lalaki nitong mga nakaraang araw. Dati-rati ay nakakunot lagi ang noo nito kapag nagkikita sila pero ngayon ay hindi na. At ngayon nga ay binati pa siya ng lalaki.

Himala, ano kayang espirito ang sumanib sa unggoy na ito at medyo naging friendly kahit papano, tahimik na sabi niya sa sarili.

Lumapit sa kanya ang binata at naupo rin sa sofa katapat niya.
“May kailangan ka ba?”

“Si Candy ang sadya ko,” kaswal niyang sabi.

Nangunot ang noo nito. “I thought ako ang kailangan mo.”

Bahagyang tumaas ang kilay niya. Feeling mo! Ang kapal mo talaga! nais sana niyang sabihin.

“Wala kasi sina Candy at Aira nagpunta sila kina Eden.”

“Akala ko narito sila kasi pinapasok ako ni Manang. Anyway, sige uuwi na lang ako.” Tumayo na siya.

“Ihahatid na kita sa inyo,” ani ng binata na tumindig na rin.

Napatanga siya rito. Dinadaya ba siya ng pandinig niya? “B-bakit?” maang na tanong niya.

“Gabi na kasi eh.”

“Okay lang ako, kaya ko ng umuwing mag-isa. Safe naman dito sa subdivision eh at saka malapit lang naman dito ang sa amin.”

Tinalikuran na niya ito at tinungo na ang pinto.

“Kahit na ihahatid pa rin kita sa inyo,” anito na nakasunod sa kanya.
Si Harvey na ang nagbukas ng gate. Hinawakan nito ang braso niya as she passed through the gate. Saglit lamang ang paghawak na iyon ng binata sa kanya pero nakakapagtakang iba ang epekto niyon sa kanya.

Naninibago lang ako sa kanya, agad namang sabi niya sa sarili.

Nagsimula na silang maglakad. Napakabagal ng ginawang paglakad ni Harvey wala naman siyang nagawa kundi sabayan ito dahil lalabas naman siyang bastos kung iiwanan niya ang lalaki. And she had this feeling na talagang sinasadya nito iyon, pero kung bakit ay hindi niya alam.

“Tatlong buwan na lang board exam mo na. Uuwi ka rin ba agad ng probinsya after mong mag-take ng exam?” basag nito sa katahimikan.

Bakit gustong-gusto mo na ba akong mawala rito? nais sana niyang itanong rito.

“Oo,” tipid na lamang na isinagot niya.

“Hindi ka na babalik?”

Tiningnan niya ito. “Alam kong gusto mo na akong umalis rito para hindi ko na magulo ang kapatid mo.”

❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon