Chapter 9

6.4K 132 2
                                    

“READY ka na ba?” tanong niya kay Trinity nang sa wakas ay sagutin na nito ang tawag niya.

“Katatapos ko lang magbihis. Saan ba kasi talaga tayo pupunta?”

“Basta, huwag ka nang makulit. Sa labas ka na ng gate ninyo maghintay sa akin. Papunta na ako diyan, bye.”

Pinatay na niya ang cellphone bago masiglang lumabas ng silid niya at bumaba ng hagdan.

“Sir, andito pa pala ho kayo,” wari ay nagulat na sabi ng kanilang maid nang makasalubong niya ito sa may salas.

“Bakit?”

“Tumawag ho kasi si Ma’am Mary, eh akala ko ho nakaalis na kayo kaya iyon ang sinabi ko sa kanya,” tugon nito.

Napakunot ang noo niya. Ang alam niya ay sa makalawa na ang flight ng dating nobya patungo sa Milan, ano naman kaya ang naisip nito at bigla itong nagparamdam ngayon. Ito ang unang beses na kinontak siya ng babae pagkatapos nilang maghiwalay.

“Ano raw ang kailangan niya?”

“Wala naman hong sinabi hinanap lang niya kayo.” Tinalikuran na rin siya nito at nagtungo sa kusina.

Napakibit-balikat lang siya. Lumabas na siya at sumakay ng kotse.
Ilang sandali pa ay inihinto na niya ang sasakyan sa tapat ng gate ng mga Grijalvo, agad namang sumakay doon si Trinity.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong nito pagkasakay-sakay.

Hindi siya sumagot sa halip ay inilabas niya ang dalang pang-blindfold.

“Ano ‘yan?”

“Isusuot mo ito,” simpleng sagot niya.
“Bakit kailangan pa niyan?”

“Ang dami mo namang tanong, gawin mo na lang ang sinasabi ko. Wala naman akong gagawin sa’yong masama eh.”

Hindi na nga komontra ang babae, hinayaan na siya nitong lagyan ito ng blindfold. Muli na niyang pinaandar ang kotse.

“Alam mo kanina ka pa nagda-drive, malayo pa ba ang pupuntahan natin?” ani ng babae pagkalipas ng ilang sandali.

“Naiinip ka na ba o excited kang malaman kung ano ‘yung inihanda kong surprise para sa’yo?” napapatawang sabi niya.
“Both.”

“Malapit na tayo.”

Inihinto na niya ang kotse at inalalayan sa pagbaba ang babae. Pagkatapos ay inalis na niya ang blindfold nito.

Napatanga ang babae nang makita nito ang kinaroroonan nila.

“W-what are we doing here?” tanong nito pagkaraan ng ilang sandali.

“Dito tayo unang nag-meet remember?”

“Yeah I know pero bakit?”

“I want to ask your opinion kung maganda ba ang pinturang ipinalagay ko diyan. Nagustuhan mo ba?”

Napahinga ito ng malalim. “Hindi ba dapat si Mary ang tinatanong mo?”
Nangunot ang noo niya. “Bakit si Mary? Paano siya napasok sa usapan? Matagal na kaming wala.”

“Pero ipinatayo mo ang bahay na ito for her.”

“Sino ang nagsabi sa’yo niyan?”

“Si Candy,” anito at tinalikuran na siya.

Hinawakan niya ang braso nito. “Saan ka pupunta?”

“Uuwi na. Hindi ko alam kung ano ang gusto mong palabasin at dinala-dala mo ako rito,” may bahid ng iritasyon na sabi nito.

❤Finally Love Has Come My Way (COMPELETED; Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon