"Man is not, by nature, deserving of all that he wants. When we think that we are automatically entitled to something, that is when we start walking all over others to get it."
-Criss Jami, Diotima, Battery, Electric Personality
DRACULO
"Lo, La. Una na po 'ko." pagpapaalam ko kila Lolo habang ako'y nasa kwarto, nakaharap sa salamin at inaayos ang buhok ko. Inayos ko pa ang pagkakalagay ng salamin sa aking mata dahil medyo tabinge ito kanina.
Kinuha ko ang bagpack na nasa study table at tsaka lumabas ng kwarto. Nadatnan ko pa si Lola na nagbubunot ng buhok sa kili-kili. Napailing na lang ako dahil dun, samantalang nagbabasa lang ng dyaryo si Lolo habang may kapeng nakapatong sa lamesita.
Lumapit ako para makapagmano. Napansin na rin siguro nila ako kaya itinigil nila ang kanilang mga ginagawa.
"Oh. Paalis ka na?" inilapag ni Lolo sa lamesita ang binabasa niyang dyaryo at tsaka tumayo para samahan ako. Tumango ako bilang sagot.
"Napagkakasya mo pa ba yung baon mo?" bakas ang pag-aalala sa tono ni Lolo.
Napaisip naman ako dahil sa sinabi ni Lolo. Magdadalawang taon na rin akong scholar sa Graham High kaya hindi na pinproblema nila Lolo at Lola ang gastusin sa School pati ang baon ko dahil sagutin na na ng school iyon.
Monthly may natatanggap akong 10,000 php na allowance, hindi ko rin naman nagagastos lahat dahil hindi naman ako palapunta sa Canteen at palalabas ng Bahay kaya kila Lolo ko ibinibigay ang kalahati para naman may magamit rin kami rito sa Bahay.
Naisip ko na rin na baka pwede akong mag-apply ng trabaho kahit part time lang para naman maipasyal ko sila Lolo sa mga gusto nilang puntahan, palagi na lang kasi silang nasa bahay eh- kaso wala pa 'ko sa legal age para makapag-apply.
"Kasyang-kasya pa ho."
Napatango naman si Lolo habang tinatapik-tapik ako sa balikat at hinahatid ako palabas ng bahay.
"Naghahanap ako ng pwedeng pagkuhanan ng Kwarta sa Bayan para hindi na namin nagagalaw yang baon mo."
"Ako na hong bahala." ngumiti ako kahit na alam kong nadidismaya si Lolo.Hindi naman nila kailangan pang magtrabaho eh, matatanda na sila.
Inayos ko na ang aking bisekleta at muling kumaway kay Lolo. Samantalang dali-daling lumabas ng bahay si Lola at tinawag ang pangalan ko bago pa ko tuluyang makaalis.
Nilingon ko si Lola na may hawak na sibuyas at iwinawagayway ito. Binalikan ko sila upang kunin ang sibuyas.
"Mag-ingat ka sa pagpasok." habilin pa ni Lola.
Pagngiti at pagtango na lamang ang naisagot ko. Matapos iyon ay binalikan ko na ang aking bisekleta at sinimulan ang pagpadyak patungo sa eskwelahan.
Habang tinatahak ko ang daan paalis sa lugar namin, napansin ko ang mga puno ng Narra na nadadaanan ko sa gilid ng daan, nagsisilaglagan na ang mga bulaklak nito. Ang ganda lang tingnan.
Dumaan ako sa shortcut kung saan madadaanan mo ang isang tulay na gawa sa kahoy, isang ilog na naghahati sa dalawang magkaratig na bayan.
Nang marating ko ang Gate 2 ng Graham High ay ibinigay ko ang I.D ko sa Guard na incharge sa Parking Lot. Ipinakita nito ang card sa scanner at muli itong ibinalik sa'kin. Ini-park ko na rin ang Bisekleta ko sa palagi nitong kalagyan dahil ako naman ang parating nauuna.
Mabuti na lamang ay binigyan ako ni Lolo ng isa pang padlock at kadena para mabantayan ang Bisekleta ko. Sa dinami-dami ba naman kasi ng bisekleta rito sa school ay yung sa'kin pa ang napagtripan. Hanggang ngayon nga, napapaisip pa rin ako kung sino ang may motibo para sirain yung bisekleta ko ng ganun.
BINABASA MO ANG
Whisper of a Seraph
Romance"Around the shining rivulet and bushes of evergreen, memories that framed but also changed our fates."