Prologue

1.8K 38 1
                                    

Sariwa at napakalamig ang hatid ng hangin na sumasalubong sa isang matandang lalaki na nakaupo sa kaniyang kinauupuan habang ang bus na kanyang sinasakyan ay patuloy lamang sa pag-andar. Nakadungaw ito sa bintana at tila ba napakalalim ng iniisip.

Ilang sandali pa ay huminto ang bus sa isang istasyon upang magsakay ng pasahero. Isang batang lalaki ang tumabi sa matanda habang kinikilatis ang itsura at pananamit nito. Nag-umpisa nang umandar ulit ang bus, hindi maalis ng batang lalaki ang tingin sa matanda dahilan upang mapasulyap sakanya ang matanda.

"Anong pangalan mo?" mahinahong tanong ng matandang lalaki sa bata. Hindi naman agad nakasagot ang batang lalaki habang titig na titig pa rin ito sakanya kaya naman ang matanda na ang nagsalitang muli.

"Ang lamig. Hindi ka ba nalalamigan?" tanong ulit ng matanda. Sa pagkakataong iyon ay nagsalita na rin sa wakas ang batang lalaki. "Bakit po kayo nalalamigan?" tanong ng bata ngunit hindi mo ito kakikitaan ng pagtataka.

Napaisip naman ang matanda at napatingin ito sa bintanang katapat lamang niya. "Kasi nasa tapat ako ng bintana," kasabay nito ang pagbigay ng ngiti sa batang kausap niya, ngunit para bang hindi kumbinsido ang bata habang ang kanyang paningin ay nananatili pa rin rito.

Pinili na lamang ng matandang lalaki na manahimik. Dala na rin ng kanyang pagod galing sa kanyang pinanggalingan ay ibinalik na lamang niya ang kanyang tingin sa mga lugar na madadaanan ng bus na kanyang sinasakyan.

Matapos ang ilang minutong biyahe ay huminto ulit ang bus upang magbaba naman ng pasahero. Sa sandaling iyon ay nakarinig ng boses ang matanda na may tinatawag na pangalan. "Reuki!" pagtawag ng babae, agad namang lumingon ang batang katabi lamang ng matandang lalaki. "Reuki, halika na dito." dagdag pa ng babae. Umalis naman ang batang lalaki sa kanyang dating kinauupuan upang lapitan ang babaeng tumatawag sa kanyang pangalan. Hindi naiwasang mapatingin ng matanda sa batang kaaalis lamang. Nakaramdam siya ng pamilyar na pakiramdam, unti-unting lumakas ang hangin dahilan para isara ng mga pasahero ang kanilang mga katapat na bintana.

Huminto ang bus sa isang istasyon upang magbaba at magsakay ng pasahero, isa sa mga pasaherong ito ay ang batang nakatabi niya kanina kasama ang kanyang ina na nakahawak sa kanya.

Nang makababa ang bata ay hindi na maalis ang tingin ng matanda rito, ilang sandali pa bago tuluyang makaalis ang bus ay kumaway ang batang lalaki at makikita mo sa pagbigkas ng labi nito ang salitang 'Bye lolo', kumaway pabalik ang matanda at isang ngiti ang ibinigay nito sa bata.

Matapos iyon ay itinulog na lamang ng matanda ang buong biyahe. Nang makarating sa kanyang bababaan ay sumakay ito ng tricycle. Malalim na ang gabi at mag-aalas dose na ng makarating ang matanda sa isang bahay.

Ang bahay ay hindi mo kakikitaan ng tao sa loob, madilim at tila ba walang naninirahan rito. Ilang sandali pa ay huminga ng malalim ang matanda bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay na iyon.

Isinindi nito ang ilaw na nasa sala na siyang nagbibigay liwanag lamang sa buong bahay. Inilapag nito ang bagaheng dala sa isang sofa at saka ito dumiretso sa isang kwarto. Kumuha ito ng pares ng damit sa isang lumang aparador at dun ay agad siyang nagbihis.

Matapos iyon ay wala nang iba pang ginawa ang matanda kundi mahiga sa kanyang higaan at matulog na lamang.


"Diomedes..."

Whisper of a SeraphTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon