"We have had bird's-eye views seen by mind's eye imperfectly. Now we will have nothing less than the tracings of nature itself, reflected on the plate."
- Nadar
DRACULO
"Haaaay! Kakapagod ngayong araw na 'to. Hindi na 'ko tatakbo bilang officer next school year." pareho kaming napalingon ni Phibian kay Videl na kararating lang habang bitbit-bitbit ang laptop case niya. Akmang napapaunat pa siya habang palapit sa'min.
Last subject na at kasalukuyang wala ang aming last period teacher dahil may meeting sila sa faculty kaya nandito kami sa balcony na tapat lamang ng room namin.
Bakit magkasama kami ni Phibian ngayon? Well, sumunod lang siya dito. Ang balak ko lang talaga ay magpahangin at makapag-isip-isip, at para na rin maiwasan ko ang ingay sa loob pero mukhang ganun rin ang nasa isip ni Phibian kaya sumunod siya rito or so I thought kaya nagkaroon ng kaunting pag-uusap na may kinalaman lang sa ingay sa loob ng room namin.
"Balak mo bang mag-repeat?" marahang tumawa ang babaeng kasama ko.
"Hindi 'yun, may common sense ka ba? 'Kala ko ba matalino ka?" Videl clicked his tongue as he tried to insult her.
"Wow! Sa'yo pa talaga nanggaling." pagbawi naman ni Phibian na akmang napakrus pa ang mga braso.
Inalis ko ang pansin sa dalawa at ibinaling ito sa tanawing nakikita ko. Wala akong time para sumali sa asarang bata, tsaka bakit ba dito sila sa tabi ko nag-aasaran? Tch.
Sakto lang ang panahon ngayon, hindi ganoon kainit at hindi rin ganoon kalamig. Sinubukan kong itaas ang aking kanang palad habang dinadama ang hangin at ang liwanag na nangagaling sa araw. Ipinikit ko na rin ang aking mata para mas lalong damhin ang paligid.
Ang sarap pala ng gan'to.
Now I know kung bakit madalas itong gawin ni Guada. Nakakagaan pala ito sa pakiramdam. Pakiramdam ko nababawi ko na ang mga enerhiya na nawala sa'kin mula kanina.
Huminga ako ng malalim at mas lalong dinama ang hanging tumatama sa'kin.
"Draculo, anong ginagawa mo?" rinig kong tanong ni Videl. Kahit pa hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nito ay bakas naman sa kanyang tono ang pagtataka sa ginagawa ko.
"Photosynthesis." sambit ko.
Tumawa naman ang dalawang kasama ko.
Anong nakakatawa? It's not even a joke. Tch.
Mga isang minuto rin ang itinagal ng paghalakhak nila at nang tumigil na ang mga ito ay muling nagtanong si Videl dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko at mapunta ang pansin sakanya.
"Anyways, kamusta? Anong progress sa paghahanap natin?" inilagay nito sa kanyang tagiliran ang paghawak sa laptop case habang nakapamewang gamit ang isang kamay.
Ngayon ko lang napansin na hindi niya na pala suot ang eyeglass na madalas niyang ginagamit. Malamang naka-contact lens siya. Hindi man ganun kalinaw ang paningin ko, pansin ko ang pagbabago sa kulay ng mga mata nito na hindi ganun halata sa biglaang tingin.
Sa pagkakataong ito ay humarap na rin ako sakanila. Nakuha na nila ang atensyon ko, ano pa bang magagawa ko?
"Nakausap namin si Klenda kanina." sagot naman ni Phibian.
"Klenda? Yung girlfriend ni Draculo?" hindi ko alam kung nagbibiro ba siya or talagang ignorante lang siya sa mga tinatanong niya.
"She's not my girlfriend." paglinaw ko, kasabay ang pagkrus ko ng aking mga braso.
BINABASA MO ANG
Whisper of a Seraph
Romance"Around the shining rivulet and bushes of evergreen, memories that framed but also changed our fates."